CHAPTER 3 TRAV'S POV

156 7 8
                                    

"Ano na namang problema mo at nagyaya ka na namang uminom? Last time na nagyaya ka e nung muntik nang maghiwalay ang parents mo." pagtataka ni Jason pero may pilit na ngiti sa mukha niya.

"Oo nga, Travis. Anong problema?" seryosong pagtatanong naman ni Alex.

"We broke up." tipid na sagot ko at nagshot. Walang reaksyon ang aking mukha. Sa sobrang sakit, I just want to get numb.

Magiisang taon na sana kami next week. Hindi ko alam kung bakit nagkaganon kami. Ayos naman kaming dalawa. Masaya pa nga kami kahapon.

"Eh? Bakit?!" tanong nilang dalawa. Kahit sila ay nagtaka talaga.

"May nagugustuhan daw siyang iba." sagot ko na nakatingin sa lapag, sa may pagitan ng mga paa ko at may kalungkutan sa boses.

Pag-angat ng mukha ko, tumama ang paningin ko sa tatlong magkakaibigan. Ang nakaagaw ng pansin ko ay yung babaeng nakashirt na color blue, medyo loose pants, at sneakers? At nakadekwatro pa.

Tch. Tibo siguro itong isang to o kaya naman astigin lang talaga. Pero maganda siya. Long hair, chinita, matangos ang ilong, small lips, di naman payat pero di din mataba. And not to mention, angelic face siya. Kung hindi lang mukhang tibo e, okay na sana. Tss.

"Hey!! Ano bang tinititigan mo jan? Tinatanong ka namin kung bakit di mo pinigilan." Lumingon sila sa tinitingnan ko.

Liningon ko rin sila. "You mean bakit ko hinayaang makipagbreak siya? Hindi ko ugaling maghabol, Jay. Alam niyo yun. Tch. Bat ba kayo nakangisi jan?" maang maanganan ko.

Nagtawanan lang silang dalawa at tumayo si Alex.

Tch. Ano bang ginagawa nito? Eh?

-.-

Hindi nga ako nagkamali, inalok pa ni Alex ang tatlo sa table namin. Tch. Sumama naman sila at nakiupo sa amin.

"He's Jason, this is Travis, and I'm Alex." pag papakilala ni Alex sa aming tatlo. "Your names are?" tanong niya naman agad sa tatlo.

"She's Miel, Dane, and I'm Bea." pagpapakilala nung isang babae. Magkasing katawan lang sila nung Miel, matangos ang ilong,nakatali ang mahabang buhok, makapal ang labi, at mas singkit ang mata kung ikukumpara kay Miel. Nakashorts lang siya, hindi naman gaano maikli kaya ayos lang. Nakablouse na kita ang braso dahil gawa ito sa lace na see through.

Nakipagkamay sila ni Dane while tumango lang si Miel.

Umorder na kami ng drinks at nagkwentuhan.

"So what brings you here tonight, girls?" tanong ni Alex na nakatingin kay Miel. Konting tulak na lang ay didikit na ang mga labi nila.

Tinulak ni Miel ng madahan ang balikat ni Alex upang ilayo sa kanya. Bahagya naman akong natawa sa ginawa niyang yun "Sinusulit lang namin ang last few days ng summer vacation." sagot nito na parang walang interes.

"I see. Sabagay, malapit na rin kasi ang pasukan e." ani Jay sa mga girls.

"Kaloka. Hindi pa ako handa." sabi nung Dane. Ayos naman siya. Pinakapayat sa kanilang tatlo, nakaskinny jeans, at blouse na kita ang tiyan. Siya ang may pinakamaganda at matangos na ilong. Maganda at nakakahumaling ang kanyang ngiti.

"Sino bang handa? Kahit naman kami, hindi pa. Si Travis nga, nagdadrama pa. Hahaha." ayan si Jason, mahilig mangasar. Kahit seryoso ang nararamdaman, idadaan lahat sa tawanan. Kaya ayon, tawanan silang lahat. Si miel naman ay ngumiti lang.

Maganda pala talaga tong babaeng to lalo na kapag nakasmile. Tch. Ang weird niya lang talaga.

Aish~! Ano ba tong iniisip ko. Unang una, kakabreak ko lang with my almost one year girlfriend. Second, hindi na kami magkikita ulit neto.

How to Make Ms. Wrong Fall In Love [Slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon