Bago ang araw ng Pasko, nagdiwang muna kami ng monthsarry ni Ana. Simple lang, lunch sa Wendy's. Kung tutuusin sobra kaming nagbond nung Simbang Gabi. Kahit pagkain lang namin, Burger, Fries, Salad, Spaghetti. Masaya na kami. Ang importante lang naman, kasama ko siya. Kami pa rin. Hapon na nung natapos yung date namin. Mas madami pa yung oras ng kwentuhan sa kainan. Hindi kami nauubusan ng pagkwekwentuhan. Parang lagi may bagong nangyayari. Kahit kwento ng pinsan ng pinsan, nakakrelate ako. Kahit kwento ng bestfriend ng bestfriend ko, nakakarelate siya. Masaya lang kasi palagi kaming nagkakaintindihan nagiging yung pagtatalo. Unang Pasko namin to na mag boyfriend at girlfriend. Siguro naman dapat may regalo ako sa kanya. Ano kaya? Hmm. Pumunta ako ng MOA at tumingin tingin ng puwedeng ipangregalo sa kanya. Ayun nakabili na rin ako, Bag at Stuff Toy :). Parehas niya kasing paborito to. Pinag-ipunan ko to. Gusto ko namang makabawi sa kanya. 4 na monthsarry akong walang regalo sa kanya. Umuwi na ko ng bahay para tulungan si nanay sa noche buena.
8:00 PM
Ilang oras bago magpasko, nagskype kami ni Ana. Ewan ko, gusto ko lang siya makita parati. Minsan nga naka open lang skype namin tapos kahit hindi ko siya kausap, tignan ko lang siya masaya na ko. Naghanda na rin ako kasi magsisimba kami. Pagkauwi namin, handa na yung mga pagkain, Noche Buena na.
Yung sermon ng pari yung nagbigay inspirasyon sa kin. Sabi niya, ang pasko, ay araw ng pagbibigayan. Ang pasko ay araw ng pagmamahalan. Pero kung araw-araw tayong magbibigayan at magmamahalan, araw-araw rin Pasko. Parang sa min lang ni Ana. Kahit wala akong materyal na bagay na nabibigay sa kanya, yung pagmamahalan namin araw-araw sapat na.
12:00 AM, December 25
Ayun, ang pinakahihintay na parte ng Pasko, Noche Buena. Sira workout ko nito. Tataba tiyan ko. Pero masarap kasi kumain ee. Nag-salo-salo kami ng pamilya ko. Hamon, Queso De Bola, Chicken Galantina, Spaghetti, Cake, Salad, Baby Back Ribs, Barbecque. Grabe LBM katapat nito. Tinikman ko lahat, ang sarap eh. Pagkatapos ko kumain umakyat ako sa kwarto ko para ubusin yung ibang pagkain at ipakita kay Ana. Nagskype kami.
"Muse ko. Kain tayo!"
"Eto nga Escort ko oh, kumakain. Grabe sira diet ko nito."
"Okay lang yan! May Media Noche pa! Puwede mo pa maging kakatawan si Jessica Soho"
"Ang kupal mo Anton! Grabe ka. Hindi pa naman"
"Haha joke lang. Masarap naman kasi talaga kumain eh."
"Ayy hindi, pang suicide kumain."
"weeh Diiii NGAAA",
"Che"
"Ayy Leche Flan eto subo ko sayo."
"Ewan ko sayo! hahahaha", nagkatuwaan na lang kami ni Ana. Kung anu-ano pinagusapan namin haggang antukin ako.
"Muse ko. Merry Christmas, Belated Happy 6th Monthsarry, Advance Happy New Year. Grabe di ko inaakala na tatagal tayo ng ganito."
"Escort ko. Siyempre nagmamahalan tayo. Nagiintidihan. Merry Christmas, Belated Happy 6th Monthsarry, Advance Happy New Year. I love You."
"I love you too Muse ko. Bye.". nagkiss kami gamit ang webcam at nagwave na ko. Matutulog na kasi ako.
"Bye.", sinirado ko na yung computer at Natulog na ko.
8:00 AM
Gumising ako ng maaga kahit parang nasa hangover ako. Ang dami kong kinain. Busog pa rin ako. Kailangan kong gumising ng maaga ngayon kasi may out reach program yung school namin. In behalf of the different clubs and organizations ng school namin. Ayun pagkatapos kung magpagwapo, magbihis, at ihanda ang regalo ko kay Ana, umalis na ko ng bahay para sunduin siya.
"Tao po! Namamasko po!", biglang lumabas yung Nanay ni Ana.
"Ui! Anton! Dali pasok ka."
"Wag na po. Sinusundo ko lang po si Ana. Pupunta po kasi kami ng school ngayon, may Outreach program po."
"Sige eto na siya papalabas na.", ilang salit lang lumabas si Ana. Ang ganda niya.
"O Escort ko Tara na alis na tayo."
"Ang ganda mo ngayon."
"Ngayon lang? Ngayong lang?"
"Hindi ah, Forever and Always"
"Sipsip! Ikaw rin namin eh Ang pogi mo ngayon."
"Okay! Tara na punta na tayo ng school.", pumunta na kami ng school para isagawa yung Outreach program. Lahat ng officers ng different clubs at organizations ay pumunta ngayons sa school para bigyan ng pagkain at damit ang mga can't afford nating kababayan. Habang naglalakad kami ni Ana papuntang stage hindi ko mapigil isipin na ang swerte ko pala. Ang swerte ko kasi ang damit kong damit, lahat yun bagong bili. Ang swerte kasi nakakakain ako 3 times a day. Minsan pa nga 5 times a day may dalawang merienda pa yun. Matapos naming bigyan yung mga mahihirap nating kababayan it's time na bigyan ko naman yung pinakamamahal ko ng regalo.
"Muse ko."
"Bakit Escort ko?", pangiti niyang sinabi. Dinukot ko yung gift ko,yung bag tsaka yung stuff toy.
"Merry Christmas", nasa background pa namin yung All I Want For Christmas Is You. Niyakap niya ko.
"Thank you. Ang cute.", pero ako yata yung nagulat. May dinukot din siya sa likod niya.
"Eto rin may gift rin ako sayo. Merry Christmas", wow! Isang Box Set ng Percy Jackson Series at isang Jansport Bag. Niyakap ko siya.
"Wow! Paano mo nalaman na gusto ko to?",
"Anton, anu ka ba. Lagi mong kinukwento sa kin yung pelikulang percy jackson. Naisip ko baka gusto mo yung libro kaya eto, binili ko sayo yung box set. Yung bag naisip ko cute sayo.", ang sweet naman ni Ana. May bigay talaga sa kin. Nagkiss kami tapos Holding Hands na naglakad lakad sa school grounds. Ang saya namang pasko nito. Kasama ko si Ana at ang ganda ng regalo niya sa kin. Pero hindi yung regalo yung importante. Ang importante dun, yung effort ng pagbili niya sa kin at naalala niya ko bigyan. Yun naman ang diwa ng Pasko. Ang bigyan mo ang ibang tao at alalahanin mo yung magagandang nagawa nila sayo.
BINABASA MO ANG
Puppy Love (Ongoing Series)
RomanceSabi nila, hinding hindi mo malilimutan ang first love. Kadalasan yung first love mo, nararansan mo sa mga panahong bata ka pa. Nadidiskubre mo pa lang ang pag-ibig. Ito ang istorya ng dalawang batang magkakakilala sa hindi inaasahang panahon.