Medyo malakas ang hangin. Tumingala ako para masdan kung nagbabadya ba ng pag-ulan. Maaliwalas naman ang kalangitan. Hindi masyadong maaraw, saktong sakto lang. Huminga ako ng malalim at naamoy ang dagat. Mahina ang hampas ng alon. Paulit-ulit. Parang sumasabay sa kabog ng dibdib ko.
Nilibot ng mata ko ang paligid. Ang ganda talaga, hindi ko mapigilang mapangiti. Siyang siya ito. Kung kilala mo siya ng lubos, di ka mag dadalawang isip na konsepto niya ito. Lahat perfect, parang siya. Simple lang. Ayaw niya kasi ng mga bagay na masyadong bongga or sobrang arte at komplikado. Halos lahat kulay white at pearl seafoam. Malamig sa mata. May iilang paper lamps na nakasabit para mamaya siguro kapag dumilim na. Maraming orchids at calla lily sa paligid. Paborito niya ito. Umupo muna ko sa buhanginan, medyo nakakapagod din lumakad lakad. Kaunting sandali nalang dadami na ang mga tao dito. Ieenjoy ko muna ang katahimikan hanggat wala pa sila. Hay, sinong mag aakala na sa layo ng narating namin, mangyayari ito.
***
"Tayo ka na, malapit na magsimula." Ang sabi sa akin. Kaya naman tumayo na ko, pinagpag and damit ko, at sumunod ng lakad sa kanila.
***
Pakiramdam ko huminto ang pagtibok ng puso ko noong nakita ko sya. Nakatayo siya sa dulo habang ang lahat ng mata ay nakatingin sa kanya.
"Ang ganda ganda niya." Ito ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko habang dahan dahan siyang naglalakad. Hindi ko na masyadong marinig ang paligid ko, parang lahat naglalaho, nagiging blurred pag nandiyan sya. Sa bawat hakbang niya, sumasagi sa isipan ko ang iba't ibang ala-ala.
Isang hakbang. Kitang kita ko ang kaba at saya sa kanyang mata.
Flashback
"Ano ito?" - tanong niya sa akin pagkabukas na pagkabukas niya ng kwarto ng dorm. Pinuno ko ng pictures naming dalawa ang isang side ng pader namin.
"Uhm, ahhh." Kinakabahan ko na sagot. "Ehem." Nakatingin pa rin sya, nagtataka, nagtatanong.
"Halos mag iisang buwan na kasi tayong ganito... ahh, alam mo? Yung sweet, pero aaah, paano ba ito?" Ang nerbyos na sagot ko sa kanya. Nanlalamig ang mga palad ko.
"At?" Tanong niya sa akin.
"Mika... I love you. Pwede ba kitang ligawan para maging official na tayo na?" Mahina kong sabi. Kinakabahan at baka isipin niya na assuming ako. Lumapti sya at hinawakan ang aking mukha.
"Oo." Sabay halik sa aking pisngi at yakap.
End of flashback
Halos nasa gitna na siya ngayon. Nginitian niya ang mga kaibigan niya noong highschool.
Flashback
"Huwag mong aalisin yan" Ang natatawang sabi niya sa akin matapos niya akong iwan sa isang tabi. Tinakpan niya ng blindfold ang mata ko bago ako sumakay ng kotse at ngayon naman hindi ko alam kung nasaan na kami.
"Love, asaan ba tayo? Bakit mo ko kinikidnap?" Ang pabiro kong sabi. Naririnig ko ang pagbukas niya ng pinto at inakay niya ako ng dahan dahan papasok.
"Basta, sandali nalang." Sabay kiss sa aking pisngi.
"Chansing ka uy!"
"Che! Tumigil ka Victonara!"
Maya-maya ay naramdaman ko ang pag alis ng blindfold at nakatayo kami ngayon sa gitna ng isang bahay na walang laman. Nagtataka akong tumingin sa kanya at napaka laki ng ngiti ng loko.
"Dream house natin, nagpatulong ako kay Jessey. Happy 5th love!!!" Excited niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko at tinignan ang paligid.
BINABASA MO ANG
The Walk (Mika Reyes - Ara Galang One Shot)
FanfictionHanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Mika Reyes- Ara Galang One Shot #mikareyes #aragalang