"Woo, spicy!""Anghang, grabe!"
"Sushi!"
"Oishi des!"
"Kampai!"
"KAMPAAI!!" Sa mga salitang iyon na isa-isang binitawan ng mga kasama sa malakas-lakas pa na boses, yumuko't umiling-iling na lamang si Ben sa hiya.
Mukhang naging komportable agad ang apat sa resto, minsan napapatingin na nga iyong ibang mga costumer sa kanila. Though hindi naman talaga ganoon kalakas at ka-disturbing ang mga boses nina Phil, still, nakakahiya pa rin sa ibang mga kumakain doon.
"Guys, etiquette naman, please.." at kalauna'y hindi na rin niya napigil pa ang sumuway sa mga ito.
"Sus, ang KJ naman neto," alma ni Harry.
"Oo nga. Loose a bit, Ben. Be happy, we're merry! Right, Phil?"
"A-huh!"
Kahit na umiinom sila ngayon ng rice wine, wala pa namang tama ang mga kasama niya. It's just that they were so hyper, siguradong mapagkakamalan na nga silang mga lasing na.
"Eh, gusto n'yo naman palang magkalat, sa japanese resto kayo pumunta. Sa bahay na lang kaya kayo?"
Natahimik ang apat sabay titig sa kanya.
"Talaga? Sa inyo, Ben?" Paniniyak pa ni Harry. Medyo napaatras naman si Ben sa kinauupuan sa paglapit ng mga mukha ng tatlong binatilyo sa kanya.
"Y-yes."
"Weh?"
"Milagro yata."
Sasagot na sana siya nang makita niya ang nakakalokong tingin at ngiti ni Phil. At may ideya na naman siya kung ano ang pinapahiwatig nito sa turan na iyon. Hindi pa rin niya gets kung ano ang takbo ng utak ni Philip. But somehow, he's getting some clues. and he found those clues displeasing..for him.
"Why, hindi pa ba kayo nakakapag-bonding kina Ben?" usisa naman ni Eve na lalo pang nagpaigting ng makahulugan at tila pa, nanunuksong ngisi ni Phil sa kanya. Natameme tuloy siya nang 'di oras.
"Naku, miss Eve, hindi pa nga. As in never, pa." Si Herc ang sumagot.
"Ayaw niya kasi. Baka magulo raw ang unit nila," dagdag naman ni Harry.
"Kaya nga milagro, eh," si Phil.
"Bakit nga kaya bigla ka na lang nag-aya sa bahay...ha, kuya?" ang lagkit ng titig ni Phil sa kanya habang abot-tainga ang ngisi.
Tarantang inirapan niya naman ito sabay tingin sa iba pang mga costumer doon. "K-kaysa magkalat kayo rito. Okey sana kung hindi n'yo 'ko kasama ngayon. Nadadamay pa ako sa mga kabulastugan ninyo."
"Woshoooo! Ang sabihin mo, gusto mo lang na-wlmmmph!" bigla niyang sinubuan ng wasabi si Phil kaya napasigaw ito sa anghang. "Langya ka, kuya! Haaaaaaah, ang...haangk!"
Tawang-tawa na ang mag-pinsan samantalang todo inom ng rice wine si Phil dahil walang tubig. Maging si Ben ay natawa rin sa namumula at naluluha nang mukha ni Phil. But then Eve handed her some yoghurt from her bag.
"Here. Pambawas-anghang," na agad-agad namang kinuha at kinain ni Phil. Pagkuwa'y isang matalim na titig ang pinukol ni Eve kay Ben na nagpatahimik sa binata pati na rin sa mag-pinsan.
"Hindi nakakatuwa." mababa, ngunit ramdam ang bagsik sa tono ng boses ni Eve nang sabihin nito iyon. Plus her frightening stare just made his whole body dumb. He suddenly felt guilty.
"I...i'm sorry," good thing he was still able to say. Si Philip naman kasi, ang daldal!
"Tamang-tama, paubos na rin naman itong mga pagkain natin, umalis na tayo." Ani Eve pagkuwan sabay tayo at pumunta sa counter ng restaurant. Samantalang natahimik na silang apat na naiwan doon. Nang makalabas na sila sa kainan na iyon ay tahimik pa rin sila. Kahit paano'y mukhang okey na si Phil.
Nakababa ang parehong balikat ni Ben, seryoso ang mukha ni Eve habang nakatanaw sa kung saan, samantalang nagpapalitan naman ng tingin ang mag-pinsan.
Nakakainis, sikmat ni Ben sa sarili. Sinisisi niya pa rin si Phil kaya ganoon sila ngayon. But he's really sorry for the wasabi. Masyado talaga kasing madaldal ang kapatid niya, tuloy ay nasubuan niya ng wasabi na siyang unang nakita niya't nadukot. At ngayon ay mukhang galit din sa kanya si Eve.
Tinitigan niya ito. Tahimik lang ito habang tinitingnan ang kung sino sa katapat na kalye. Wala sa sariling tinanaw niya rin iyon at nakita ang isang lalaki na naka-sumbrero at itim na coat habang naglalakad pa-kaliwang direksyon nila. Nang tingnan niya uli si Eve ay sipat na nito ang suot na relo.
"I have to go. Late na ako sa bahay."
"Aaaahy...ang bitin naman, miss Eve!" Sabay namang reklamo ng mag-pinsan, kaya napangiti rin ito.
"Bukas na lang. I'm free from lunch time onwards."
"Talaga? Yes!"
"Sinabi mo iyan, ha?"
She nodded.
"Oo na," tapos ay pumara na siya ng taxi. "Una na ako."
"Bye, miss Eve!"
"Ingat!"
Papasok na sana ang dalaga nang tawagin ito ni Phil. Lumapit kay Eve ang huli at ngiting yumuko. "Salamat sa yoghurt...ate."
Sandali itong natigilan habang hawak ang bukas nang pinto ng taxi. Ngunit kalauna'y napangiti rin sabay ginulo ang tuktok ng ulo ni Phil. "Utang iyang yoghurt, ah."
Doo'y bumulanghit ng tawa ang mag-pinsan. Samantalang napalabi naman si Phil.
"Miss Eve naman, eh!"
A soft chuckle escaped her lips. "But I like you calling me 'ate,' better," anito sabay marahang tinapik ang pisngi ni Phil. Pagkuwa'y tuluyan na nga itong pumasok sa loob ng taxi.
Napasunod na lamang ng tingin ang apat habang papalayo na ang sasakyan. Sinabayan pa nina Phil ng ngiti at kaway ng pamamaalam dito. Ngunit nang tuluyan na nga itong nawala sa paningin nila'y sunod-sunod nang tumama kay Ben ang mga hampas, kutos, pingot at tuhod na mula sa tatlong badtrip na kasama.
*~*~*~*~*~*~*
(Thanks for reading!) 🙌
BINABASA MO ANG
His Little Miss Detective: 3-Day Case Files (On-going)
ActionFor those HLMD readers who haven't noticed: This is a sequel I made for "His little miss detective." Since my friends insisted me to continue writing the story of Eve and Ben. May you read it kahit na hindi ako totally active sa wpad. Salamat po. 50...