Ang Sagot sa "Paano?"

11 0 0
                                    

Nakaupo ako ngayon...



Mag-isa...



Tulala...





Puno ang isipan ko ng mga pangyayari kaninang umaga.





***

Alas kwatro ng madaling araw...

Mahimbing ang aking pagkakatulog sa aking kinahihimlayan: sa sahig ng aming munting tahanan. Semento ito, na nilatagan ng plywood at banig. Ang aking nakatuping mga damit na nakatali ang nagsisilbing aking unan.


Naalipungatan akong saglit at napakamot sa aking mga binting pinapapak ng mga lamok. Malapit na ata maubos ang dugo ko... Sabi ng isipan ko. Walang sandali na nasa bahay ako na hindi ako kinagat ng lamok. Pati ang aking ina ay hindi tinitigilan ng mga ito.


Kaming dalawa lamang ang magkasamang nakatira dito. Iniwan ng aking ama ang aking ina nang ito ay mabuntis niya. Wala akong mga kapatid. Ang kamag-anak sa panig ng aking ina ay namatay lahat (noong ako'y tatlong taong gulang) sa malakas na bagyo sa kanilang probinsya. Nailibing silang lahat ng buhay sa malaking landslide na naganap, at walang natira.






Wala kahit isa.







Masakit at nakapanlulumo, ngunit may nakaramdam din kami pagpapasalamat sapagkat nandirito kami ng aking ina sa Maynila, may buhay at lakas pa. Subalit masikip sa damdaming kailangan naming magpatuloy mabuhay sa mahirap at masalimoot naming pamumuhay ng kaming dalawa lamang.






Walang malalapitan...







Walang maaasahan...







Walang ibang kadamay... Kaming dalawa lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Buena VidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon