The Thing About Us

14 0 0
                                    

CHAPTER I

"Akala ko may forever rin tayo.."

Hindi ko naman kasalanang nafall ako sakanya eh. Iniwasan ko naman 'tong nararamdaman ko. Pero ayaw ko nang hanggang dun lang kami.

Ako pala si Dre. 19 Years old at nagtatrabaho sa isang fast food chain. Hindi man kagwapuhan pero may kabaitan naman akong taglay. Madami akong mga kaibigan. Simula elementary hanggang nung nagcollege ako. Kinailangan ko lang magtrabaho para masuportahan din ang pag-aaral ko.

Mahirap maging isang working student. Aral sa umaga. Trabaho sa hapon. Gawa ng assignments sa gabi. Napapabuntong hininga nalang ako pero masasanay rin ako. Para saken naman din ito e. Pagsusumikapan ko nalang.

"Ma'am, Out na po ako!" paalam ko sa manager ko. AlasNuwebe y media na. Ang dami ko pang gagawin.

"Osige, Dre. Ingat!" Sabi nang manager ko. Dali-dali naman akong umakyat sa crew room namen at nagbihis. Halos habulin ko talaga ang oras.

"Hussle ah. May lakad pa?" Tanong ni Fina.

"Wala. Madami pa kase akong gagawin." Sagot ko naman.

"Gabing gabi na may gagawin kapa? Sipag." Ika niya.

"Hirap kase magworking student." Sagot ko.

Di naman kami close neto ni Fina. May mga oras na nagkakausap kami pero casual lang. Maganda siya. Marami ngang nagkakagusto sakanya dito sa trabaho namen e. Pero mailap siya sa mga lalaki. Diko alam kung bakit niya ko kinakausap ngayon.

"Tara, sabay na tayong lumabas." Yaya nya sakin.

"Ah. Sige. Tara." Pagpayag ko.

Paglabas namen, madaming nakatingin. Mga kasamahan kong lalaki. Ganun naman talaga dito samen. Sanayan nalang.

Sa labas, walang imik-imik na umalis si Fina. Iniwanan ako. Sabi ko na nga ba e, mailap talaga siya.

Habang tinitignan ko siya palayo, Tsaka ko naisip..

"MADAMI PA AKONG GAGAWIN!" Sabay takbo at para ng tricycle. Hay. Hirap talaga ng ganito. Pero kaya ko to.

CHAPTER II

"Tignan mo 'tol, ganda talaga niya oh"

"Oo 'tol, sarap siguro maging syota niyan."

"Kaso mailap sa mga lalaki yan e.. 'di mo nga makausap e."

Iba talaga karisma nito ni Fina. Kahit sino magkakagusto sakanya e. Maganda talaga. Matangos ang ilong, matangkad, maganda ang katawan. Parang perfect girl. Kaso, mahirap makaclose. Parang man-hater. Puro babae lang kinakausap.

"Oy, Dre, Matunaw naman.." biro ng kasamahan kong si Jed.

"Sus. Di ako magkakagusto diyan." sagot ko.

"Kaya pala kung makatitig ka kulang nalang hubaran mo. Hahaha!" Sagot naman ni Red.

"Kasabay mo nga mag-out yan kagabi e. Diba?" Sabat ni Jed.

"Oo. Kasabay lang. Di nga kami nakapagusap nang maayos e. Mailap talaga." Sagot ko.

"Oh ano, Usap nalang? Trabaho rin!" Sigaw ng manager namen

"Sorry, Ma'am." Sabay-sabay naming sagot sabay mahinang tawanan.

Iba talaga si Fina. Tumitigil ang oras pag tinitignan mo siya at pinag-uusapan. Kahit sino magkakagusto sakanya. Pwera ako. Di ako magkakagusto diyan Sigurado ako.

----

"Dre, out na! Tara.."

Parang biglang tumigil ang mundo ng lahat. Paano, si Fina, niyaya akong mag-out na. Medyo weird. Kagabe lang kami nakapagusap. Pero parang close na kami kung ayain niya ako. Ewan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Thing About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon