Sa tuwing may problema ako, lagi akong tumitingala sa langit tuwing gabi.
Nakatingin sa kawalan.
Naghahanap ng solusyon mula sa hangin.
Sa mundong ibabaw.
Sa paligid ng nagnining-ningan na mga bituin.
Noong bata ako, lagi akong nakatingala sa mga bituin. Tinitingnan ang isang constellation na pinangalan kong si "Rosarian".
Siya yung hugis rosaryo na tila laging nagpapapansin sa akin sa tuwing ako'y tumitingala sa langit.
Lagi ko siyang kinakausap sa aking isip. Kinakamusta. Sinasabihan ng problema. Pinapasalamatan.
Masyado kasi akong malalim. Malawak ang mundo. Pati ang imahinasyon.
Alam ko sa sarili kong kakaiba ako. Pero hindi ako sa walang kaibigan. Hindi sa walang pamilya na nakakasama.
Sadyang kakaiba lang talaga ako.
Kakaiba ako mag-isip.Mag-isip ng mga bagay na alam kong posible kahit na imposible sa ibang tao.
Gumawa ng mga bagay na ako lang ang nakakaintindi at nakakaunawa.
*ting-ting-ting-tiiiiiiiing!!!!!
"Mareeah Queen! Bumangon ka na dyan at baka malate ka pa sa lakad mo!"
Dalawang minuto.
Dalawang minuto bago ako tuluyang babangon.
Dalawang minuto bago ako gigising mula sa aking malalim na panaginip.
Panaginip na halos araw araw na dumadalaw sa aking natutulog na diwa.
Dalawang minuto.
Still...
BINABASA MO ANG
STILL
Romance"Dito ka lang. Dito ka lang sa tabi ko. Huwag mo akong iiwan. Huwag kang aalis. Huwag mo kong hahayaan." Still....💓