S.E. 4

6 2 0
                                    

Warning: Foul language!!

CHASER

Ang saya naman. Para lang akong nanunood ng live na action movie, buti nalang at may bilihan ng popcorn sa malapit. Nakalimutan yata nyang magkasama kami at nilapitan yung babae na hinarang ng 15 lalaki. At ngayon sila namang dalawa ang nagaaway.  Sa pagkakatanda ko ang pangalan ng babaeng ito ay Justine Lee, ang anak ng may ari ng school na pinapasukan namin. Hindi naman ako  katulad ni liam (na alam kong hindi nya pa kilala ngayon kung sino ang kaharap nya) wala naman kasi syang pakialam sa iba, basta ba hindi sya nasasangkot. Nakakapanibago lang na nilapitan at tinulongan nya pa ang babaeng ito.

Nalaman kong anak sya ng may ari nung makita ko kung paano nya pinagbugbog ang 5 lalaki sa field, it was our third day sa school at galing ako sa library. Naalala ko kung paanong walang may gustong pumigil o mangialam manlang, inoobserbahan ko ang nasa paligid, May mga nadaang prof at nakita nila ang eksena pero maging sila ay piniling wag mangi alam, ang mga estudyanteng nagbubulong bulongan at may mga matang naaawa sa lima. Napadako pabalik ang tingin ko sa gitna ng field at pinagmasdan ang mga lalaki,madami naring mga pasa at galos ang mga ito, nakaluhod at may takot na mababakasan sa mga mata, samantalang sya nakatayo't nakapamewang sa harap nila. Ang sabi may ginawa daw ang mga ito na labag sa rules ng babaeng yun kaya sila naparusahan. At hindi lang yun nagtatapos ang parusa nila dahil maya maya nito ay pinalapit nya ang isang babaeng estudyante, alanganin itong lumapit sa pwesto nya, kitang kita ko ang mapang awang tingin ng iba sa babae dahil baka ay madamay ito. Ganun ba kasama ang isang  ito  para ganun ang maging expression nila? sa isip ko. May ibinulong ito sa babae, at agad itong tumalima para namang naging maluwag ang paghinga ng iba. Narinig kong pinapahubad nya ng damit ang lima, may isang umangal pero kanya lang itong sinipa sa mukha. Wala silang magawa kundi sundin ang gusto nya. Maya maya pa ay dumating ang babaeng kanyang binulungan at inabot sa kanya ang mga placard. Isang ngisi ang nasilayan ko sa mukha nya, masaya syang lumapit sa lima na animo'y isang bata na nakahanap ng kalaro. Tinignan nyang muli ang hawak nito akmang hahampasin ito sa isang lalaki at napapikit ito ng mariin at hinihintay ang pagtama ng makapal na bagay sa kanyang mukha pero hindi nya ito tinuloy bagkus nilagay nya ang placard sa leeg nito na parang kwintas, ganun din ang ginawa sa iba. Pina jog nya sa buong campus ang mga ito just wearing their boxers. At kapansin pansin ang mga placard na nakasabit sa leeg nila.

Im a cheater, Im a bully, We are losers.

Ang pare-parehong nakasulat sa mga ito. Gusto kong matawa, Hindi ko alam kung sa paraan ba ng pagparusa sa kanila o sa mga lalaking nahihiyang tumatakbo ng nakahubad sa campus (siguro both), hindi sila patitigilin sa pagtakbo unless uwian na, kawawa naman kasi  kakatapos palang ng lunch. Tinanong ko sa iba kung sino yung babaeng nagparusa, para nga ito nabigla sa tanong ko, ang sabi anak ng may ari. Kaya pala ganun sya kung maka asta.

Susubo na sana ulit ako ng popcorn ng mag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon, akala ko txt lang pero sunod sunod ang naging vibration nito so I assume na may tumatawag. Napatingin ako sa naka registered na pangalan. It's Ken, sinagot ko naman ang tawag.
Inunahan na nya ako magsalita.

" chase! Where are you? Arghh. Go home now, faster!"

"Ehh?"  Yan nalang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"She bal! Do you heard me? Im dying!! ."

" maniwala baliw! Haha. Try harder ken, you can't fool me. Pa english english ka pa. You know I've been through of that trick" I said chuckling, oa naman kasi ng isang to. Nanonood parin ako ng away nila, bigyan ko kaya ng sandata ang dalawang 'to, para mas intense? Eh puro lang naman sila Salag at iwas bilang lang yung mga naging tama nila sa isa't isa, Para naman kasing hindi sila nagseseryoso. Somehow nae-excite ako kasi parang may something.

Sakura Empresses (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon