≈≈≈≈≈Author's POV
Kakapasok mo lang ngayon sa school pero tamad na tamad ka dahil halos wala ka pa talagang tulog dahil sa bwisit na report mo.
"Oh Hana, mukha kang zombie ngayon ahh?? Hahaha!" kanchaw sayo ng bbf mo.
(Imagine na yan yung crush mo.)
"Che! Umalis ka ngayon din sa harap ko kung ayaw mong kainin ko yang BRAIN mo na WALANG LAMAN." sabi mo pero natawa lang siya at inakbayan ka pa.
"Hayy.. Bespren... May laman kaya ang utak ko noh..." sabi niya habang muntangang nakangiti.
"Ano?? Dota?? LOL?? Counterstrike?? Basketball?? PBA?? NBA??" masungit mong sabi.
"Galing ah.. *clap clap*" sabi niya habang naka-akbay pa din sa'yo.
"Pero... may nakalimutan ka..." dagdag niya kaya napatingin ka sa kanya.
"Ikaw."
*DUG.DUG.*
Tinanong mo siya ulit at nagbabakasakaling sabihin niyang joke lang.
Pero hindi...
Inulit niya lang.
"Che! Baliw!" sigaw mo tapos hinampas siya ng mahina saka ka umeskapu sa kanyang pagkakaakbay at nagmadaling lumayo.
Di mo alam sa sarili mo kung bakit ambilis ng tibok ng puso mo at nakakaramdam ka ng pag-init ng pisngi mo.
'Lagi naman siyang ganun. Mahilig sa joke time at iba pang trip. Ba't ba ko nagkakaganito??'
tanong mo sa sarili mo dahil ikaw mismo naguguluhan.
-
Recess niyo na ngayon at di mo na napigilang ikwento sa mga kaibigan mong babae ang tungkol sa kakaibang nararamdaman mo para sa'yong bbf. Malaya mong naikwento ang damdamin mo dahil hindi naman kayo sabay ng recess. At malaya ring nakapagbigay ng malanobelang opinyon ang mga kaibigan mo sa'yo.
"Hay naku! Wag kang assuming teh! Maraming mga lalaking ganyan ngayon noh! Yung gagawa sila ng sandamakmakan na kashitan (kasweetan) para sa'yo tapos un pala wala lang! Hay naku! Stop daydreaming teh! Gumising ka sa katotohan na laganap talaga ang mga ganyang species ngayon! Mga hinayupak sila!" drama ng isa mong kaibigan.
Mejo nag-doubt ka rin kahit papano at natanong sa sarili mo na baka nga tama siya. Isa pa, hindi ka lang naman kasi niya basta kaibigan... Tinuturing ka kasi niyang BESTFRIEND kaya naisip-isip mo rin na baka nga normal lang niyang gawin yung mga kasweetan na sinasabi nila para sa'yo.
"Wag ka ngang makinig jan at broken hearted yan. Walang kang ibang maririnig jan sa napakalaking bunganga niyan kundi puro ka-bitteran!" sabi ng isa mo pang kaibigan.
"Alam mo kasi, kung bestfriend nga lang talaga ang turing niya sa'yo, hindi naman siguro aabot sa ganyan ang kasweetan niya sa'yo noh! Di ka niya paglalaanan ng time at effort na ganyan dahil pwede niya namang ispend yung mga yun with his guy-friends diba? Pero mas pinili ka niya. So ibig sabihin, may something." nakangiti niyang dagdag.
Di mo naman mapigilan ang sarili mong mapangiti sa narinig mong yun. Pero bago ka pa mapunta sa fantasy world, nagsalita ulit yung isa mong kaibigan.
"Eh baka naman kasi mas close nga silang dalawa at mas comfortable talaga siyang kasama to?" sabi niya, "Eh pero baka naman silahis yang bestfriend mo? Ay naku! naku! Yan na nga bang sinasabi ko eh!"
"Alam mo ikaw, tumahimik ka na lang eh! Bitter-bitter peg.. Dinaig mo pa yung pait nung Ampalaya eh!" sigaw sa kanya nung kaibigan mo kanina. Ngayon, mejo nagsisisi ka kung bakit mo kinwento ang lahat dahil sila na ang nag-aaway.
BINABASA MO ANG
Kiss ^.^
RandomDid you ever imagine what would your first kiss be like? Or have you ever pictured the best kiss that you would have? Or do you have a memory of a bittersweet kiss that you'll never forget? Or is it something that you wish that could happen but it...