A Step to Forever (KimXi One- Shot)

3.4K 48 19
                                    

          2 years na ang nakalipas mula nang mapaamin ni Vice ganda ang magkasintahan Kim Chiu at Xian Lim sa kanyang programang Gandang Gabi Vice noong Anniversary Special nito kung saan nagguest ang dalawa. Labis naman ang saya na naramdaman ng kanilang mga tagahanga, pamilya at lalo na ng kanilang matalik na kabigang sina Maja Salvador at kasintahan nitong si Matteo Gudicelli na laging nambubuking sa dalawa noong hindi pa ito tuluyuang umaamin sa publiko.

          "Mah friend, nagkausap na ba kayo ni Xian?" nag-aalalang tanong ni Kim kay Maja habang kausap sa telepono ang kaibigan. "Ah-eh, hindi pa e" pautal na sagot nito sa matalik na kaibigan. "Ah ganun ba? E si Matt nakausap mo na ba?" muling tanong ni Km sa kausap "Oo naman, teka nga mahfriend, may problema ba kayo ni Xian? Bat parang ang lungkot mo?" pang-uusisa naman ni Maja kay Kim. Bakas kasi sa boses ni Kim na parang may problema siya ngayon. "Sa totoo lang mahfriend di ko rin alam kung may problema ba kami ni Xian ngayon e. Halos isang linggo na kaming di nag-uusap. Alam ko namang busy rin sya ngayon pero dati naman kahit busy sya tinatawagan nya ko o kaya itetext man lang pero ngayon di sya nagpaparamdam. Ewan ko ba dun sa lalaking yun!" May halong inis, lungkot at tampong sumbong ni Kim sa kaibigan. Natawa na lamang si Maja sa inasta ng kaibigan."Hay naku Kimberly, baka naman sobrang busy lang ng jowa mo. Wag ka naman magtampo ng bongga kay Alexander.Alam ko na! Wala ka namang work ngayon diba? Gumala nalang tayo."  aya ni Maja sa kaibigan. "Please Kim, wag mo na kong pahirapan pa. Pumayag ka nang sumama sakin ngayon." kinakabahang sabi pa ni Maja sa sarili habang naghihintay ng sagot mula kay Kim. "Malinis naman ang schedule ko ngayon. Sige. Pero saan naman tayo pupunta? Tayo lang ba? Sasama ba si Xian at Matteo satin?" sunod sunod na tanong ni Kim kay Maja matapos nitong sumangayon sa paanyaya ng kaibigan na ikinakaba naman ng huli."Tayong dalawa lang mahfriend at ako na ang bahala sa pupuntahan natin. Basta mag-ayos ka ng sarili mo ha at maganda ang pupuntahan natin. Susunduin kita jan sa inyo ng 3:00 okay? Sige!Bye!" tuloy-tuloy na paliwanag naman ni Maja sa kabilang linya. " Teka mahfrie..." hindi na natapos ni Kim ang sasabihin dahil agad na ibinaba ni Maja ang telepono

*MAJA'S POV*

          "Teka mahfrie..." di ko na pinatapos si Kim at baka kung ano pang tanungin nya at madulas pa ko sa plano. Hay nako Kim kung alam mo lang! Kung di ko lang mahal tong mga kaibigan kong to! Matawagan nga si Matt.

          "Hello Hon! Ano, napapayag mo ba si Kim? Anong sabi nya?" pamungad na tanong sakin ni Matteo. "Teka lang naman hon! Oo, napapayag ko na. Susunduin ko siya sa kanila mamayang 3:00. E si Xian kamusta naman?" balik kong tanong sa kanya. "Buti naman at napapayag mo si Kim. Ang galing talaga ng Honey ko! Nandito na nga pala ako kila Xian ngayon. Mukang kabadong kabado e" sus at nambola pa tong lalaking to! "Oo na! Nambola ka pa, e alam ko namang magaling ako dati pa noh. Basta ikaw na ang bahala jan kay Alexander at ako na bahala dito kay Kimberly. Sabihin mo wag na syang kabahan at nakumbinsi ko na si Kim na wag na magtampo sa kanya okay? Sige na't mag-aayos na ko! Bye! I love you!"  Paala ko kay Matt. Ang lambing ko lang e:') "O sige na. Just update me kung ano na nangyayari sa inyo ni Kim okay? I love you more hon! bye!" paalam nya sakin na ikinakilig at ikinatuwa ko rin naman.

*MATTEO'S POV*

          Nandito ako ngayon sa condo ni Xian. Nagpapractice siyang magpiano kanina habang kausap ko si Maja kanina pero ngayon tulala na siya. Makausap nga! "Hey bro! Relax! Parang ang lalim ng iniisip mo jan e. excited or nervous?" pagrerelax at pang-uusisa ko naman sa kanya. "Kinakabahan ako bro e. Baka di siya pumayag. Teka, anong sabi ni Maja?" Pag-oopen up nya naman sakin. " Ano ka ba bro! Parang di ka naman si Xian Lim niyan e. Sabi ni Maja wag ka na daw mag-alala dahil naconvince nya na si Kim na wag na magtampo sayo. She will pick your girl up at 3:00 sa house nila kaya you better get ready. Cheer up bro!" Pagexplain ko sakanya.

A Step to Forever (KimXi One- Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon