What If

1.8K 33 1
                                    

February 11

Nakita ko... siya kanina... Narealize ko ang tagal ko na rin pala siyang hindi nakikita. Medyo nagulat ako. Pumayat siya. Kung di niya kasama si Chantal baka hindi ko siya nakilala. Okay lang ba yun? Hindi naman sa sobrang payat niya, pero medyo nagbago kasi yung itsura niya talaga...

Sino ba kamo? Si James. Ang aking... first crush?

Sa totoo lang di ko na maalala kung pano kami nagkakilala.

Naalala ko lang yung first ever friend ko na si Yassi, pinakilala ako kay Chantal na kapatid ni Jaye. Naalala ko kung pano ko naging kaibigan si Chants pero... ang labo... di ko talaga maalala kung kelan ba pumasok sa picture si Jaye. Para bang basta kilala ko na siya since the start of time. Lols. Korni ko lang.

Pero ganun nga. Alam mo yung sinasabi nilang first memory mo? Parang ganun yung feeling. Basta one day nandito na ko sa mundo. Kaibigan ko si Yas at Chants at nandiyan siya sa tabi, nanonood habang naglalaro kami.

Si Yas at Chants ang first playmates ko. Pwede ko na ring isama si Jaye dun, since nakikisali din naman siya sa'min paminsan-minsan. Actually, if you looked through my old photo albums, you'd definitely see these three in most of them. Syempre, meron din naman akong iba pang mga kaibigan, pero etong dalawa (damay na si Jaye) na to ang pinakaka-close ko.

Yung bahay nila Yassi katabi lang nung bahay namin. Before kami manirahan dun, isang bahay lang siya. Kayla Yas talaga yung bahay, pero since maliit lang naman yung family nila, pinarenovate nila at hinati nila sa dalawa. Family ko ang nakabili nung kalahati. Sa totoo lang, divided lang siya by a wall. Iisa pa rin ang bubong namin.

So inevitable talaga na makilala ko si Yas. At mabilis kami naging magkaibigan at magbest friend.

Si Chantal naman at James, nakatira malapit sa kabilang dulo ng street namin. Hindi ko alam kung pano nila nakilala si Yas, pero si Yas ang nagpakilala sa'kin sa kanila. Dikit ako kay Yassi nun, and lahat ng nagiging kaibigan at kalaro ko siya ang nagpapakilala.

Lagi akong tumatambay sa kayla Yas para maglaro. But during Sundays, since si Yassi at yung family nila iba ang religion, lagi silang wala para sa mass nila. So during Sundays or other days na wala sila, dun naman ako kayla Chantal tumatambay.

Kaya ang dami kong memories sa bahay na yun.

Naalala ko ang favorite part ko ng bahay nila is yung kitchen kasi meron silang collection ng 101 Dalmatian action figures sa taas ng ref nila. Nung time na yun, favorite movie ko siya kaya every time na nandun ako, lagi ko tinitignan yung collections and pinapangalanan pa bawat pups. Hinahanap ko si Lucky, si Rolly, si Patch, Freckles, Penny and yung iba pang may names.

I guess napansin yun ni Jaye kasi one time, nung wala si Chantal--kumuha ata ng snacks or something-- bigla niyang sinabi na kung gusto ko, pwede naman ako kumuha. Syempre nahiya naman ako. And medyo awkward since wala si Chantal na parang buffer namin. Hindi naman kasi kami ganun kaclose, damay lang talaga siya sa mga laro.

Pero we were close enough na kilala ng family namin ang isa't-isa. Wait parang mali wording ko, super close kami ni Chants kaya nakilala ng family namin ang isa't-isa. Bakit ba si James ang ginagawa kong representative? Sorry, baliw lang.

Anyway, dahil nga naging close ko si Chants, yung mama nila-- Si Tita Ella, at yung mama ko naging magkaibigan din. I remember one time, nakikipagkwentuhan yung mom nila sa mom ko sa tapat ng bahay namin and narinig ko silang nag-uusap about me. Naalala ko na medyo naflatter pa ko nun kasi sinasabi ni Tita na matalino daw ako. Nakwento ata ni Mama na nag-top ako sa school ko. Nabanggit naman ni Tita na siguro pwede ako magskip ng grade kung gugustuhin ko, at siguro kasama pa rin ako sa top.

Down Memory Lane (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon