>>>♥<<<
I'M HIS NO. 1 FAN
written by Sarrah Armenta A.K.A sjmcarmenta
Copyright ©
All Rights Reserved 2012
>>>♥<<<
Naniniwala ba kayo sa kasabihang ‘All is fair in love and war’?
Ako kasi hindi eh… pero dati yun…
Dati, ang akala ko, imposibleng magkagusto ang elepante sa daga. Imposibleng magkagusto ang balyena sa tilapia. Imposibleng magkagusto ang agila sa maya. Pero mali pala ako, dahil pagdating sa pag-ibig, pantay-pantay lang lahat. Walang malaki, walang maliit. Walang maganda, walang pangit. Walang mayaman, walang mahirap. At higit sa lahat, walang celebrity, walang ordinaryong tao.
Akala ko kasi dati, mahirap abutin ang isang artista. Tingin ko sa kanila dati ay kagaya ng mga prinsipe na napapanood ko sa mga Disney movies. Pero mali pala ako, dahil sa likod ng camera, para rin lang silang ordinaryong tao na kagaya natin. Sumasaya, nalulungkot, nasasaktan, at higit sa lahat, nagmamahal.
Siguro, nagtataka kayo kung bakit ko nasasabi lahat ng ‘to nuh? Oh well… sige, ishe-share ko sa inyo ang love story ko…
***
My name is Nimfah Grace Cortizano. Nice for short. 16 years old. A 4th year high school student. Nakatira ako ngayon dito sa apartment ng pinsan ko. Nasa States kasi ang parents ko at nagtatrabaho. Andun na sila simula pagka-graduate ko ng elementary. Yung bahay namin, pinabili na nila, at iniwan nila ako sa pinsan kong si Ate Pen. 30 years old na sya ngayon, pero wala pang asawa.
Hobby? Well… isa lang naman actually ang hobby ko at yun ay ang ipag-luto ang HUBBY ko ng iba’t-ibang uri ng ulam dito sa Pilipinas. Minsan, pinagbe-bake ko rin sya ng iba’t-ibang flavor ng cake.
Hmmm… honestly, hindi ko naman talaga sigurado kung kinakain nya lahat ng binibigay ko eh. :( Siguro, nagiging misteryoso na sa inyo ang identity nya nuh? Alright sige, ipapakilala ko sya sainyo.
Meet Ryan James Salvador, ang isa sa pinaka-sikat na artista ngayon. Marami syang commercial sa TV, meron din syang soap opera ngayon, at hindi lang yan… Marami rin syang naka-line up na pelikula.
Habang ako naman ay isang ordinaryong estudyante lang na patay na patay sa kanya. Hay naku! Kung binigyan lang sana ako ng Diyos ng kaunti pang kapal ng mukha, siguro kami na ngayon ng Papa RJ ko. Hahaha… Syempre joke lang. Alam ko naman kung saan ako lulugar eh. Alam kong kahit kelan, hindi magkakagusto ang isang artista sa isang tulad ko na ordinaryong mamamayan lang ng Pilipinas. *buntong hininga*
BINABASA MO ANG
I'm His No. 1 Fan
Teen FictionPa'no kaya kapag nalaman mong ang ultimate idol mo ay inlove pala sa'yo... Hmmm... I just wonder... :)