"keely umalis ka na" sigaw ng babae habang naghihingalong tinutulak paalis ang kanyang anak
" Nay hindi, papatayin ka ng mga mamang nakablack... nay tara na umalis na tayo dito" pagpipilit naman ng anak niya
"anak hindi umalis ka na. susunod din si nanay pangako" sabi ng babae, walang magawa ang bata kundi ang sundin ang kanyang ina, labag man ito sa kalooban niya pero ginawa niya
bago pa siya makalayo ay may narinig na siyang putok... lumingon ang bata pero huli na kasi hinihila na siya ng mga mama na hindi niya matukoy kung sino sila .. ang alam lang niya ay pare-pareho sila ng tattoo sa kamay at may sout na sing sing sa kanilang mga hinliliit
gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa dahil alam niyang papatayin rin nila ito. gusto niyang lumaban pero ano ang mapapala niya ? baka gawin rin nila ang ginawa nila sa kanyang ina
" pangako Nay, ipaghihiganti kita sa mga taong gumawa sayo niyan, hindi ko sila mapapatawad... patawarin niyo po dahil wala man lang akong nagawa para tulungan kayo, kung hindi lang sana ako mahina ay sana nandito pa kayo, hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito " sabi ng bata sa kanyang sarili habang umiiyak
" halughugin niyo ang buong lugar, maaring nandito pa ang batang babae... hindi siya pwedeng makatakas, magiging hadlang lamang siya ng mga plano ko" sabi ng isang matandang lalaki, hindi kalayuan sa kinaroroonan ng batang babae
gusto mang bumalik ng batang babae pero hindi na maari, ipinangako niyang mahihiganti siya sa pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na ina, at sisiguraduhin niyang matutupad yun
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
hello guys!! ito yung pinaka first story ko dito sa wattpad kaya sorry kung hindi niyo magustuhan ..
BINABASA MO ANG
The Last El Cazador
ActionA story of a young lady who is very rebellious. The story begins in a cemetery. Someone precious in her life has been lost. She then realized that no one will listen to her, because she is different, she doesn't belong to the world where she grown u...