Prologue

3 0 0
                                    

"HOY KAYDEE LEEYAN MONTEMAYOR!!! GUMISING KA NA DYAN! ANONG ORAS NA? ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS NA? ALAS TRES NA NG HAPON! BUMANGON KA NA DYAN! UUTUSAN KITA!!" Rinig kong sabi ng Mommy ko.

'Tss. Magtatanong kung anong oras na tapos sasabihin rin pala'

Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng damit. sinuot ko yung high waist at crop top na may nakalagay na "DOPE" at yung boost ko. Tinignan ko kung anong oras na. 2:00 pm palang.

'Kala ko ba 3:00 na?'

2:00 na ako nagising ng tanghali dahil kakabasa ng mga romance love story. Tinapos ko na kase yung isang libro na sikat na sikat talaga. Kaya ayun ang ending anong oras na ako natulog. Umiyak pa ako kagabi. Buti nalang di masyadong halata ngayon na maga ung mata ko haha

Bumaba ako at dumeretso sa kusina.

"Hay salamat at gising ka na. Nakalimutan mo ata yung inuutos ko sayo noh? Diba sabi ko ikaw bumili ng grocery ngayon at may pupuntahan ako" sabi naman ni mommy

"Oo mom, naalala ko. Kaya nga nakabihis na ako eh. Mag gagala din ako ah." Sabi ko. Kelangang gumala sayang yun porma ko haha

"Oo sge bahala ka na ah. Alis na ako. May reunion kasi kami ng highschool friends ko. Sge na bye anak" madaling madali si mommy'ng umalis

"Mom, teka lang. Pwede ko gamitin yung kotse? Hihihi" panlambing ko na sabi. Sana payagan, sana payagan. *cross finger*

"Oh sige bahala ka. Basta pag yan nabangga yare ka sa tatay mo at ikaw magpaliwanag sakanya. At ikaw din ang magpapagawa ah" sabi ni mommy "sge na alis na ako. Ingat ka ah. Yung kotse ingatan mo din. Sge bye anak" tapos nagbesi kami ni mommy

"Bye mommy, iloveyouuuu ingat ka" habang kayakap ko siya

"Loveyou too anak, sge bye na" at unalis na nga si mommy

Buti nalang pinayagan ako ni mommy na gamitin yung kotse ko. Eh kase nabangga ko yan ako pa nagpaliwanag kay dad kung anong nangyare kaya ayun. Ako ang nagbayad haha asar

Naglagay lang ako ng konting make up at kinuha na yung susi ko at sinara na ang bahay namin. Tapos sumakay na sa kotse ko at "whuaaaa kamusta kana Bloody Red? Namiss kitaaa!" At hinalikan ko yung manibela ng sasakyan ko at pinaadar na papuntang mall.

Habang nag d drive ako papuntang mall. Di ko mapigilang isipin si dad.

'Kamusta na kaya siya?'

Broken family kami. Naghiwalay sila mommy at daddy nung 10 years old ako kase nakabuntis si daddy. Pero ngayon ayos na naman kame. Pero hindi na naka base si daddy samin. May bago na siyang asawa at may mga anak na sila. Nag bibigay din naman sakin si daddy ng pera at siya ang nagmamatrikula sakin.

Habang nag d drive ako biglang nag play yung favorite kong kanta sa radio.

"You look so wonderful in your dress, i love your hair like that......." Sa sobrang ganda ng kanta. Simula palang napakanta na ako.

Habang feel na feel ko yung kanta biglang may bumisina sa tabi ko at nakangiti sakin. Parang pinipigilan tumawa.

"Epal" bulong ko at pinaandar na ang sasakyan ko at pumunta na sa mall.

"Ano ba yan? Andaming naka park wala akong makitaaaaaa!" Sigaw ko sa loobng sasakyan ko dahil wala akong makitang parking puno lahat.

Kaya napunta ako sa third floor na parang rooftop yun parking lot.

"Ang malas naman oh. Mainit e. sisingaw toh" inis kong sabi

Habang nagpapark ako biglang may nagpark sa tabi ng parking lot ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon