Anak

283 0 0
                                    

#Dagli

"Fred, anong gusto mong maging anak? Babae o lalaki?" Tinanong ko siya habang nakaupo kami sa swing ng isang parke at pinanonood ang mga batang naglalaro.

Ngumiti ka lang sa tanong ko.

"Ayos ako sa kahit na anong kasarian ng magiging anak natin basta ang mahalaga, ikaw ang magiging nanay. Mommy Brenda? Nanay? Inay?"

"Ang korni mo." Pinisil ko ang ilong niya pero niyakap niya lang ako. Hindi ko maitatanggi na nakaramdam ako ng kakaiba. Kilig nga na maitatawag siguro ang nararamdaman ko. Pero ako rin gusto ko na ikaw ang maging ama ng magiging anak ko.

"Kaya mo 'yan. Kaunti pa. Diinan mo pa ang hawak sa kamay ko." Naririnig ko ang boses mo.

"Nakikita ko na ang ulo. Sige ire pa."

"Hingang malalim." Alam ko na pati ikaw nahihirapan na sa nakikita mo pero kailangan mong lakasan ang loob mo.

"Babae. Batang babae ang anak niyo."

"Salamat, Brenda." Ngumiti ka sa akin habang iniabot ko sa iyo ang anak niyo ng asawa mo. Ngumiti kayong parehas nang masilayan niyo ang batang babaeng inilabas ko sa kanya.

Kasabay ng pagtulo ng luha niyo sa saya ay siyang pagluha ng puso ko sa nakita kong eksena.

HIRAYA AT PLUMA: Koleksyon ng mga Dagli at Maikling KuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon