Taga linis ng bahay, taga laba, taga luto at marami pang gawain ng isang katulong. Yan ang role ko dito sa bahay ni Madam Helga. May dalawa syang anak na babae si Althea at Helena. Parang modern Cinderella noh? Ako si cinderella at sila ang stepmother at stepsisters ko. Pero hindi talaga eh, talagang di ko kaano ano ang mga 'to, katulong lang talaga ako dito at hindi ko rin sila stepmother at stepsisters. Sabihin nalang nating tinatrato nila akong parang Cinderella.
" Nasaan na ang pagkain Naya!" Eto nanaman ang aga aga bunganga ni Madam Helga ang nagmimistulang alarm clock ko dito sa bahay.
Patay, di ko namalayang umaga na pala, shit lang patay nanaman ako nito!
Nagmamadaling bumaba ako patungong kusina para magluto ng agahan. At sa kasamaang palad nga naman o, nakatingin ng masama sa akin na nakatayo si madam Helga sa loob ng kusina. Naka cross arms pa siya at halatang galit galit, parang ilang minuto nalang ay sasabog na sya sa galit.
"H-hi po madam" nauutal na saad ko sakanya at nagpupumilit na mag smile. Shit, ang hirap ng ganitong sitwasyon grabe, nakikita kong nanlilisik na ang mata niya. Napalunok ako ng sunod sunod.
"Nasaan ang pagkain?! Dba katulong ka dto? Dapat ginagawa mo ang mga trabaho mo! Bwisit ka, magluto ka na." Galit na sabi niya at naglakad papunta sa pintuan palabas ng kusina. Okay na sana eh dahil aalis na siya ngunit bigla itong huminto shit may pahabol pa yata.
"Wag ka rin palang kumain dito, wag na wag kang magtangkang kumuha ng pagkain sa refrigerator o di kayay dyan sa lulutuin mo kundi di mo makukuha ang sweldo mo sa buwang ito" sabi niya at umalis na ng tuluyan.
Bigla namang tumunog yung tyan ko.
Pati ba naman tyan ko umalma sa sinabi ni madam Helga. As usual di nanaman ako kakaing pupunta sa school mamaya.
Graduating na ako this year at nursing ang napili kong kurso. Di ko naman talaga type tong nursing noon pero nung nalaman kong nursing ang kukunin ng crush ko noong nasa 12th grade palang ako ay napag desisyonan kong nuring narin ang kunin, nagbabakasakaling makilala niya ako at maging kami. And do you know where it lead me? Heartbreak. Yes, brokenhearted po ako, hindi dahil sa may iba na siya kahit na hindi naman naging kami, kundi dahil sa nagladlad na siya, sumali na sya sa federasyon....ng mga bakla. Bakla ang matagal ko ng crush.
Kaya eto ako ngayon nasa nursing department. Pero okay lang naman talaga kung nursing ang pipiliing kurso eh, although aaminin kong mahirap siya, pero habang tumatagal naman ay napamahal na ako sa kursong 'to. At kung magtatanong kayo kung saan ko nakukuha ang pang tuition ko gayong nursing ang pinili kong kurso at dun ako nag-aaral kung saan nag-aaral sila Althea at Helena, well secret ko nalang yun. Hahah dejoke lang, Arkon University is a prestigious school, meaning nandun ang mga anak ng mga mayayang negosyante, it is indeed a school for elite students.
At scholar lang ako dun. Cliché? A big NO po.
"Well well well, look what we have here? Naya the kusinera, nasayahan ka ba sa sinabi ni mommy sayo? I bet umiiyak na yang mga alaga mo sa tyan" pang-aasar nila Althea at Helena nang bigla silang dumating sa kusina. Napatingin naman ako sa tyan ko. Oo nga't nagugutom na ako tapos di pa nila ako papakainin. Ano nang gagawin ko?
"Awe, nakakaawa ka naman Naya, kung gusto mo maki share ka nalang ng pagkain kay Pluto, nandun sya sa dog house kumakain hahah!" Nakaka asar talaga sila kung minsan, no scratch that, nakaka asar sila palagi! Gusto ko na silang kalbuhin matagal na! Nakakapang gigil ang mga mukha nila, parang kung sinong magaganda.
Instead na magsalita ay pinili ko nalang na tumahimik para tumigil na sila. Effective naman dahil di na nila ako inasar at umupo na lamang dun sa dining area.