Kahapunan ng sumunod na araw, tinapos niya ang plano para sa charity event. Si Marcus ay nasa farm para magharvest ng strawberries at magdedeliver. Kanina pa itong tanghali umalis at ang sabi ay sa hapon na babalik kaya sila ni Manang na lang ang magkasamang nagtanghalian.
Nang magtatakipsilim na ay bumuhos ang malakas na ulan. Tumayo siya at sinara ang nakabukas na sliding door. Naisip niya kung nakabalik na ba si Marcus. Bumaba siya at tamang tama naman na nagsisimula ng maghanda ng hapunan si Manang.
"Manang dumating na po ba si Marcus?" tanong niya dito na abala sa paghihiwa ng kung anu-ano.
"Wala pa iha. Mukhang matatagalan pa iyon dahil malakas ang ulan." Kapag ganito ang panahon ay nagpapatila muna sila bago umuwi," sumulyap ito ng bahagya sa kanya.
"Ganoon po ba? Meron yatang bagyo," nagsimula na siyang mag-alala ng makarinig ng kulog at kidlat.
"Huwag kang mag-alala. Sa supermarket sila nagdeliver sa may mall. Sigurado akong tumatambay pa iyon doon at nagkakape ganitong malakas ang ulan."
"Ano po ang lulutuin niyo?" tanong na lamang niya at lumapit pa lalo.
"Pochero. Kaya ko na ito, huwag kang mag-alala. Kanina pa ako walang ginagawa kaya gusto ko ganitong abala ako." Nakangiti nitong tugon sa kanya. Napansin niya ang basket ng strawberries sa isang sulok.
"Ang dami ho neto Manang."
"Ay,oo. Sabi ni Marcus ay mahilig ka daw riyan."
"Naku, hindi ko naman mauubos itong ganito karami. Baka mabulok lang, sayang naman," sabi niya sabay kuha ng ilang piraso at kinain ang mga iyon. Matatamis pa rin ang strawberries gaya ng una niyang natikman doon sa farm.
"Iyon pa ngang nandoon sa labas, may isa pa roon na hindi pumasa sa kalidad ay isang basket din. Ok naman ang hitsura, medyo maliliit lang."
"Ano po ang ginagawa sa mga iyon?"
"Ipinamimigay sa mga trabahante iyong iba kaso hindi rin nila maubos ubos agad at nabubulok din."
"Tumatagal naman ito ng ilang araw sa ref pero hindi ho ba ninyo ginagawang jam o kahit ginagamit sa pagbe-bake tulad ng cake?"
"Sumubok ako noon kaso parang matubig siya," iling nito habang inalala ang ginawa.
"Hmm, baka ho kulang sa asukal?"
"Naku binawasan ko na dahil matamis na iyong strawberries."
"Susubukan ko ho gumawa manang," sabi niya imbes na tumulong sa paghahadanda ng dinner ay iyon na lang ang aatupagin niya.
Busy sila pareho ni Manang ngunit maya't maya itong tumitingin sa ginagawa niya. Pinapaliwanag niya ng pasimple ang mga kailangan sa isang jam. Tuwang-tuwa sila pareho ng matapos ang kanilang ginagawa at maganda ang kinalabasan ng jam. Matagal na nung huling nakagawa siya ng mga ganito. Mabuti na lang at successful.
"Pwede ho itong ituro sa ibang mga asawa ng mga magsasaka Manang para may dagdag silang pagkakakitaan. Kung ganitong may mga hindi pala pumapasa sa kalidad para sa supermarkets ay sayang nman at matatapon o mabubulok lang." Ipinakita niya rin ang tamang pag papackage ng jam simula sa pag sterilize ng mga bote hanggang sa pagtatakip.
"Mabuti na lang at may mga garapon kayo rito na hindi nagagamit."
"Oo nga, iniipon ko sayang naman kasi."
"Pero kung magbebenta ng mga ganito, kelangan pare pareho ng lalagyanan. Para macompute ng maayos ang cost."
Natapos sila sa kusina at wala pa ring Marcus na dumating. Nakakain na rin sila ni Manang. Umakyat muna siya para makapagpahinga at para matingnan kung nagtext ba ito.
BINABASA MO ANG
Ravages of Desire (COMPLETED)
Ficción GeneralDate started: January 15, 2017 Date finished: September 1, 2018 Warning: Mature Content What does your heart truly desire? Have you ever come to a point when you feel lost and empty? When you don't know what to do to drift away from a cyclical dull...