Isang malakas na katok ang gumising kay Adrian na natutulog noon sa sala ng inuupahang apartment ni Anna.
"Anna, Anna, si Josefa ito, buksan mo ang pinto at may naghahanap sa'yo."
"Bubuksan na po?" ani Adrian.
Maagap na bumangon si Adrian at pinuntahan ang pintuan upang buksan ito.
"Aba, ang semanarista, naririto. Ano ang ginagawa mo rito?" nagulat na tanong ni Aling Josefa ng bumulaga sa kanya si Adrian. "Aba'y nagpapari-pari pa kasi.
"Kayo po pala, Aling Josefa."
"Buweno, nasaan si Anna. Tanong nito sa kanya. "Anna, lumabas ka diyan, narito ang daddy mo."
Halos himatayin si Anna na ginising din ng malakas na katok ni Aling Josefa sa narinig na iyon. Kinabahan siya. Hindi siya makatayo sa sobrang takot.
"Anna, Anna, lumabas ka diyan." Galit na sigaw ng isang lalaking kung hindi siya nagkakamali ay boses ng kanyang ama.
"Anna, lumabas ka na." Nakikiusap na sabi ng boses isang babae na kung hindi siya nagkakamali ay si Elaine.
Lalong nangilabot si Anna. Totoo nga, ang papa niya nga ang nasa labas ng pinto ng kuwarto niya. Nanginginig siyang tumayo at binuksan ang pinto.
Bumulaga sa kanya ang galit na hitsura ng kanyang ama.
"Sorry Anna, hindi ko gustong ipaalam." Halos maluha-luhang sabi ni Elaine sa kanya. "Pinilit lang ako ng iyong papa.
Tinitigan lamang ni Anna si Elaine. Titig ng may sama ng loob. Hindi niya ito sinagot.
"Teka, anong nangyayari dito?" sabat naman ng nagtatakang si aling Josefa.
"Bakit kayo nandito." Nanginginig ngunit palaban niyang tanong.
"Sinusundo na kita." Galit na sabi ng kanyang papa.
"Hindi ako sasama." Matigas niyang sagot.
"Huwag ka nang magmatigas, sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa 'kin ngayon din." Halos pasigaw na sabi nito sa kanya.
"Hindi ninyo ako mapipilit. Maganda na ang buhay ko rito." Ani Anna.
"Give me a break! Anong buhay meron ka rito. Bakit may ipagmamalaki ka na ba. Tingnan mo nga itong tinitirhan mo...."
"Hoy bakit? Maganda naman itong tinitirhan ng anak ninyo." Imbiyernang sabat ni aling Josefa.
"Manahimik ka, hindi ka kasali sa usapan naming." Baling ng ama ni Anna kay aling Josefa. "Sige Elaine, tulungan mo na iyang kaibigan mong mag-empake ng makalayas na tayo rito.
"Hindi ako sasama." Pagmamatigas ni Anna. "Naiintindihan niyo ba ako. Alam ninyo ba kung bakit ako lumayas ng bahay." Nanlambot na sabi ni anna na tuluyan ng napaiyak.
"Anna, alam mong maganda ang kinabukaan mo sa Maynila. Anak, umuwi ka na, hinihintay ka na ng mommy mo doon, hinihintay ka na rin Mark." Ani Don Roberto na waring naalis ang galit at ngayon ay nakikiusap na sa anak.
"Hindi ninyo talaga ako naiintindihan. Hindi ko mahal si Mark." Napasigaw na sabi ni anna na tuluyan pa rin sa pagluha.
"At sino ang mahal mo? Ang lalaking ito?" tanong ng ama at tinuro si Adrian.
Hindi nakagalaw si Adrian sa kintatayuan niya ng ituro siya ng ama ni anna. Hindi niya alam kung no ang dahilan nito, ngayon pa lang naman sila nagkita ng ama nito, at siguradong hindi pa siya kilala nito.
BINABASA MO ANG
A Summer To Remember
Novela JuvenilMay isang tag-araw na hindi makakalimutan si Anna..