"Anna, Anna." Mahinang sabi ni Adrian habang kinakalabit ang mga palad ng natutulog na si Anna sa kanyang tabi."
"Adrian." Napangiting sabi ni Anna na hindi napigilan ang pagtulo ng luha.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Adrian kay Anna. "Hindi ka dapat umiyak. Wala 'to, gagaling din ako. Makikita mo bukas, makakalabas na ako." Ani Adrian sa lumuluhang si Anna.
"Alam ko na ang lahat Adrian, sinabi na sa akin Padre Gabriel ang totoo. Bakit hindi mo sinabi sa akin. Ang daya mo, nagtapat naman ako sa'yo."
Tiningnan ni Adrian si Anna at hinimas nito ang buhok ng dalaga. "Alam mo, noong makasakay kita sa bus," hinihingal na sabi ni Adrian. "alam kong may problema ka." Pagtatapat ni Adrian na hinahabol pa rin ang paghinga. "Gusto ko kasing malaman mo na lahat ng problema, pagsubok lang iyan, malalampasan mo rin 'yan."
"Adrian." Ani Anna at tumayo ito mula sa pagkakaupo at niyakap nito ng mahigpit si Adrian. "Sorry, sorry sa lahat ng mga kasalanan ko sa'yo." Paghingi ng tawad ni Anna na patuloy sa pagluha.
"Wala kang dapat ihingi ng sorry," ani Adian at ginantihan niya rin ng mahigpit na yakap ang dalaga.
----------
Matapos makausap si Adrian, nakita na lamang ni Anna ang sarili sa loob ng chapel sa hospital na iyon, nakaluhod at taimtim na kinakausap ang Diyos. Ilang taon na rin ba niyang hindi nagagawa ito. Doon ay hindi na niya talaga napigilan ang pagluha. Ngayon lang nangyari sa buhay niya na isang taong hindi naman niya kaano-ano ay talagang iniyakan niya.
Sa gitna ng pagtangis niyang iyon, isang lalaki ang tumapik sa kanyang balikat. Nang lingunin niya, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Si Mark iyon at iniaabot nito ang panyo sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya rito.
"Sinabi kasi nilang narito ka kaya sinundan na kita. Sorry for what happened. Kung pinigilan ko sana sila Tito Robert na puntahan ka rito hindi sana mangyayari ang lahat ng ito." Malungkot ang mukha na waring nakikisimpatiya na sabi ni Mark.
Iba na ang hitsura nito. Malaki na nga ang pinayat nito. Nang huli niya itong makita, hindi naman ito ganoon.
"Wala kang dapat ipagpaumanhin, hindi mo naman kasalanan ang mga nangyari. Kung tutuusin, ako nga dapat ang sisihin, dahil sa akin nangyari lahat ang mga ito." Pag-amin ni Anna.
"Huwag mong sisihin sarili mo, hindi mo kagustuhan ang nangyari. Siguro may dahilan ang Diyos kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito."
Nagulat si Anna sa sinabing iyon ni Mark. Ganoon din ang madalas sabihin sa kaniya ni Adrian.
"Alam mo, parating sinasabi sa akin iyan ni Adrian. Alam ko namang pinapalakas lang niya nag loob ko."
"Kamusta na siya?"
"Hindi ko alam." Naguguluhang sabi ni Anna. "Leukemia, alam natin na hindi mabuti ang sakit na ito."
"Hindi na ba kaya ng kemotheraphy ang sakit niya." Tanong ni Mark.
"Sabi ng doctor, hindi na raw kakayanin ang kemo ng katawan niya."
"God, I'm sorry."
Hindi na tuluyang mapigil ni Anna ang muling pagluha. Niyakap niya si Mark at sa piling nito ay ibinuhos ang natitira pang sama ng loob na kanina pa gustong kumawala. Niyakap naman siya ni Mark.
----------
Ilang linggo pa ang nakaraan ay pinayagan ng lumabas si Adrian, ngunit hindi na tulad ng dati. Mahina na ito, at naglalagas na ang buhok. Ngunit hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nito sa kanila. Masayahin pa rin ito kahit dama na nito ang nalalapit na kamatayan.
BINABASA MO ANG
A Summer To Remember
JugendliteraturMay isang tag-araw na hindi makakalimutan si Anna..