BAGUIO. Dahil sa sakit, tuluyan ng nanghina si Adrian. Hindi na rin ito halos makakain ng mabuti, at ang mga buhok nito ay unti-unti ng nalalagas. Madalas na itong nakaratay sa higaan.
Ngunit hindi noong araw ng dalawin ito ni Anna.
Nakaupo ito sa harap ng piano at tumutugtog ng isang malungkot na musika. Gaya ng inaasahan, nakasuot ito ng pyjama upang itago ang mga pasa sa katawan na sanhi ng sakit niya.
"Marunong ka rin pa lang tumugtog ng piano?" tanong niya rito.
"Tinuruan ako ni Padre Gabriel." Mahinang sagot nito.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?"
Nginitian lamang ni Adrian si Anna sa tanong na iyon sa kanya. "Dito ka sa tabi ko." Ani Adrian at umusog ito ng kaunti para bigyan ng mauupuan si Anna. Lumapit naman si Anna at tumabi ito sa kanya.
"Tugtugan mo nga ako." Request niya.
Inilapat ni Adrian ang kamay sa piano at tinugtugan siya nito. Kung hindi siya nagkakamali, You Light up My Life ang title ng kantang iyon, may kaunting kabagalan nga lamang.
"Alam mo bang paborito ko ang kantang iyan."
"Marunong ka bang tumugtog nito?" tanong nito sa kanya.
Umiling si Anna.
"Gusto ko sanang matuto, pero baka mahirapan ako, matanda na ako para diyan"
"Sa musika, walang matanda o bata, basta ginusto mo, you don't have to give up. Request ko, bago sana ako mawala sa mundo, matugtugan mo ako ng kahit na anong instrumento."
"Huwag kang magsalita ng ganyan." Malungkot na sabi ni Anna at hinawakan niya ito sa mga kamay.
"Anna, I know my time is soon to be over." Nakangiti nitong sabi. "Heto, sigurado akong alam mo ang kantang ito." Ani Adrian at sinimulang tumugtog si Adrian. "Hmmm..... Hmmm.... Hmmm... Hmmm... Just the way you look tonight." Himig nito na tinutugtog ang The Way You Look Tonight.
"You're so lovely........" pakikipag-dueto niya, sabay tumayo at inindakan niya ang kantang iyon.
Pumalakpak si Anna ng matapos ang kanta. Gusto kasi ni Anna na ipakita kay Adrian ang lakas ng loob na ipinangako niya rito. Ayaw kasi nitong nagmumukmok si Anna dahil sa kanya. Gusto niyang ituloy ng dalaga ang buhay nito, at huwag siyang problemahin.
"Ganyan ka dapat." Nakangiting sabi nito sa kanya. "Tingnan mo at lalo kang gumaganda kapag ngumingiti ka." Dugtong pa nito.
"Hindi ka ba nalulungkot?" tanong ni Anna.
"Bakit ako malulungkot. Masaya nga ako dahil maganda naman ang naging buhay ko rito lalo na't nakilala kita."
"Paano mo natiis na hindi sa akin sabihin ang tunay na nararamdaman mo?" tanong ni Anna.
"There is a quotation I really love, and I want to share it with you and it says there: 'when you love someone never put yourself on a situation where you are not sure where you stand in that persons life, never assume, never expect, so if they choose to drop you, you have enough strength to move on'. And that's what I am trying to tell myself, because I know this love is impossible. And I hope that you keep it to yourself also, para sa akin.'" Nakangiting sabi ni Adrian.
Hindi na napigilan ni Anna ang mapaiyak sa sinabing iyon Adrian. Kahit anong pigil niya ay dumaloy pa rin ang luha ng paghihinagpis. "Bakit kailangang sa'yo pa mangyari ito. Bakit hindi ako na lang. Ako ang walang kuwenta. Walang patutunguhan ang buhay." Umiiyak na sabi ni Anna.
Inabot ni Adrian ang kamay niya at hinawakan ito. Lumapit naman si Anna sa kanya at niyakap ito ni Adrian. "Meron at iyan ang tatandaan mo. Isipin mo na lang na hindi naman ako mawawala, Im always be right here beside you, guiding you." Mahinang sabi nito. "Kaya huwag kang gagawa ng di maganda dahil tinitingnan kita." Dugtong ni Adrian na nakuha pang magbiro.
Ang mga sinabing iyon ni Adrian ang nagpangiti kay Anna na ginantihan niya rin ng isang masarap na ngiti.
"You will always have a big place in my heart Adrian, and I will never forget you. You thought me everything."
"Ako rin, but promise me. That you will live your life to the fullest. I want you to be happy." Sabi nito. "At nais ko sanang patawarin mo na ang daddy mo at humingi ka rin ng tawad sa mga ginawa mo sa kanila. Ipangako mo. At kay Mark, he really loves you. He's always there for you. Hindi ka niya iniwan, so I hope, time will come that you'll care for him."
Kahit hindi sigurado si Anna na magagawa niya iyon sa ngayon, tumango pa rin siya alang-alang kay Adrian. Bumitiw ito sa pagkakayakap sa kanya at muling humarap sa piano at muling tumugtog ng isang magandang awitin. "Para sa'yo ang kantang ito, Anna. Kanta ito ng pasasalamat, pasasalamat dahil sa lahat ng kasiyahang ibinigay mo sa akin." At tinugtog nito ang awiting Thanks To You.
----------
Nang umuwi siya sa kanyang tinitirahan, nadatnan niya roon si Mark. Maraming dalang bulaklak.
"I want you to smile, friend" iyon ang nakasaad sa card na bigay nito.
"Don't get me wrong Anna, I meant what is written on the card."
"Thank you Mark." Nangiti si Anna. "Mark do you know how to play any instrument?"
"Oo, gitara, why?"
"Puwede bang turuan mo ako, kahit isang piyesa lang."
"Oo ba."
Dahil wala namang gitara si Anna, sinamahan siya ni Mark sa tindahan ng mga musical instruments at binili siya nito. Kahit na tumanggi siya, si Mark pa rin ang nasunod.
Ilang araw din siyang tinuruan ni Mark para maperfect ang kantang You ng Carpenters. At ng saulado na niya ito, agad niyang pinuntahan si Adrian."
"Naparito ka?" tanong nito sa kanya.
"I have something to do, na request mo."
Sandaling napag-isip si Adrian. "Ano 'yon?"
Tumayo si Anna at kinuha ang gitara ni Adrian sa tabi ng lamesa nito.
"This song is for you." At nagsimulang pitikin ni Anna ang gitara.
Sa umpisa ay tinotono pa niya ang pagtugtog, kaya naman nagkamali siya ngunit matapos ang dalawang mali, sa wakes ay naitugtog niya ng napakaganda ang awiting handog niya sa pinakamamahal na si Adrian.
You are the one, who makes me happy, when everything else turns to gray.
Yours is the voice that wakes me mornin'. and sent me out in to the day..
Pumalakpak si Adrian ng matapos si Anna sa pagtugtog. Hindi niya napigilan ang mapaluha.
"Thank you." Naluluhang sabi nito at niyakap niya si Anna.
Niyakap rin siya ng mahigpit ni Anna. At inulit ang kanta nito, na hindi na gamit ang gitara.
Dahil sa napasaya niya si Adrian noong araw na'yon, pinuntahan niya si Mark sa hotel na tinutuluyan nito upang magpasalamat. Ngunit wala ito roon ng puntahan niya, kaya iniwanan na lamang niya ito ng isang sulat na naglalaman kung gaano siya nagpapasalamat sa tulong nito.
BINABASA MO ANG
A Summer To Remember
Dla nastolatkówMay isang tag-araw na hindi makakalimutan si Anna..