Maymay's POV
× × ×Maaga kaming umalis ni Edward papuntang school. Wala lang, gusto lang namin yung tipong wala pang tao para makapag-usap man lang kami nang hindi lang sa loob ng sasakyan.
Hindi pa man ganun katagal na kami pero feeling ko super tagal na. Nakakatuwa lang na parang walang nagbago sa turing namin sa isa't isa, normal parin - baliw, ganun. Best friends parin at walang ilangan. Naisip ko tuloy, sweet na pala siya noon?
Yung mga bagay na ginagawa ni Edward saakin, dati pa naman niya ginagawa. Pero ewan ko, kahit simpleng mga bagay lang pala yung mga yun, sobrang na-a-appreciate ko na talaga. Dati, pag napakarami niyang text saakin o kapag overprotective siya, napipikon talaga ako eh. Pero ngayon, pakiramdaman ko na sobrang caring siya at mabait.
Teka, nasesenti ako.
"So, are you ready for today's mission?" Tinanong niya. Nasa classroom na kami ngayon at wala pa nga ang lahat maliban samin.
"Oo naman. Plano na!" Sagot ko ng nakangiti. Napaisip kasi ako na yung rules na kinaiinisan namin at tiniis ng matagal - eto na, mawawala na sila.
Nangako kami noon sa isa't isa na tutupad kami pero ngayon, eto. Sabi nga ni Edward kagabi, 'Operation: Broken Promises' ang tawag dito. Tama si Edward, there's more to life nga naman in breaking promises.
"Let's do it." Sabi niya naman kaya nilapag ko yung bag ko sa mesa para kunin yung listahan na sinulat ko kagabi.
"Here." Sabi ko. "Oh, gawin natin isa-isa."
Syempre, mag-uumpisa kami sa level 1. Sa level 1 rules, about sa school yun. Itong mga rules na to, ewan ko ba kung saan nanggaling! Ang dami pala naming kaartehan noon! Juskolored!
Level 1, Rule #1:
Help each other with difficulties or requirements"Aren't we doing that naman?" Tanong niya.
"Oy oo nga hala, hindi natin pwedeng i-break yan ano!" Natural naman na kasi saamin na magtulungan. Rule pala namin to? Normal lang namin eh. Given na yun. Osha osha.
"Ikaw nagsulat netong rule na to eh!" Pang-aasar ko sakanya at nilabas ko yung totoo naming rule book kasi nadala ko rin pala.
"Okay, fine. You know naman, I need you. One of the few ways I'd still get you to talk to me." Sabay kindat niya.
"Hmmm. Style mo bulok!" Napangiti nalang ako. Aysus.
Level 1, Rule #2:
Prioritize school, studies first!"You know of course, that rule's yours." Sabi niya agad.
"Oo nga. Totoo naman ah!" Angal ko.
"And you know me too, I'm not that brainy like you." Luhhh. Grabe siya oh!
"Kaya ko nga sinulat to para sa'yo! Buang ka talaga." Totoo naman eh. Wala kasi yan gana mag-aral noon pero nung natuto siyang tumambay sa bahay, bigla nalang yan susulpot sa may bintana ng kwarto ko para daw mag-aral kami. Buti nakumbinsi ko siya.
"Well, yeah. We can't break this rule too. By the way, thank you for helping me in these." Sabay sabi niya din. Aynako, paka-tamad kaya ni Edward dati. Kung hindi lang pogi to talaga, aynako. Charowt! Hahaha Pero noon naman yun eh, nung may rules na kaming ganito, nagtry naman siya mag-excel din.
"Eto na." Sabi ko kasi mukhang itong pangatlo pwede na naming suwayin.
Level 1, Rule #3:
Seats apart (or mas mabuting magkalayo!)
BINABASA MO ANG
Broken Promises (MayWard) - Completed
FanfictionBasta ang sabi ni Edward sakin: "Sometimes, there's just more to life in breaking promises." 💖