"Hah! Sino ito at paano'ng nakapasok 'yan dito?!" Malakas na tanong ni Maximus sa mga kasama.
"Hindi namin 'yan kilala boss." Ani ng lalaking nakabonet habang nakatingin kay Devin.
"Ano'ng kailangan mo?" Tanong ni Maximus sa kanya.
Kalmado namang bumaling si Devin kay Maximus, ako ang kinakabahan para sa kanya kasi kahit na alam kong kaya ni Devin ang lahat ng ito ay hindi malabong masaktan siya, masyadong armado ang mga tao dito.
Wala naman sanang masamang mangyari sa'yo...
"Pakawalan mo siya." Mababang sabi ni Devin. Narinig ko namang tumawa si Maximus at lalong hinigpitan ang kapit sa kwelyo ko.
"Bakit kita susundin? Papatayin ko 'to sa ayaw at sa gusto mo."
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong tinulak ng malakas dahilan para mapaupo ako at mabilis akong tutukan ng baril, napayuko nalang ako at nag-hihintay na pumutok iyon ng marinig ko'ng bumagsak ang baril sa paanan ni Maximus.
Tumingin ako sa katabi ng baril na 'yon at nakita ko yung patrianggulong blade na malamang ay binato ni Devin.
"Pinatay ko ang mga ipis mo, kaya ako ang harapin mo." Matigas na litanya ni Devin dahilan para mapatingin ako rito.
"Ano kamo?"
"Ako ang pumatay sa mga ipis mo."
"Ipis?!"
"Si Alfonso at Brendon. Mga ipis mo."
Nanggalaiti ang mukha ni Maximus at nakita kong naikuyom niya ang mga kamao sa galit. "Putang ina. Wala kang patawad sa'kin ngayon gago ka."
Akmang susugudin ni Maximus si Devin ng mabilis na nahawakan ni Devin ang leeg nito dahilan para mapahawak ito sa kamay ni Devin.
"B-Bitawan mo 'ko!"
"Walang pedeng manakit kay Queenie, sa babaeng 'yan." Turo niya sa'kin ngunit ang mga mata ay na kay Maximus pa rin. "Lahat ng nananakit sa kanya pinapatay ko, Gusto mo ng sampol?"
Kinabahan ako sa mga narinig kay Devin, naisip ko na baka makita ko na naman kung paano siya naging brutal sa mga pinatay niya. Pero hindi ako dapat matakot, He's my life saver after all.
Nabigla ako ng marahas na hatakin ng isang lalaki dito ang buhok ko pataas, napahawak ako rito at napapikit sa sakit. Damn it!
"H-Hoy! Bitawan mo ang boss namin kung ayaw mong barilin ko 'to sa ulo!" Doon ko lang naidilat ang mata ko at nakita ang baril na nakatutok sa ulo ko.
Shit! Do something Devin.
"Ano? Bibitawan mo siya o' papatayin ko itong babaeng ito?!" Muli ay hinila niya 'yon kaya naman napangiwi ako sa sakit, kapag nagkaron lang talaga 'ko ng pagkakataon tignan mo.
Tumingin ako kay Devin at blangko lang siya'ng nakatingin sa lalaking yun.
"Ano? Hindi mo bibitawan si Boss??"
"Alisin mo ang kamay mo sa kanya." Malumanay na pahayag ni Devin.
"Kung aalisin mo ang kamay mo sa kanya!" Sigaw ng lalaking nakahawak sa buhok ko.
"Bibigyan kita ng halimbawa, manuod ka." Mahinang sabi ni Devin kay Maximus at ng tumingin si Devin sa lalaki sa likod ko at may binato siya rito dahilan para bumitaw ang lalaki sa'kin at mapahiyaw sa sakit.
YOU ARE READING
CRIMINAL [Under Major Editing]
Misteri / ThrillerA legendary heartless devil who will appear in Queenie's hapless life. A love that can give him supcremacy and domination... but there's one way to gain this strength...