Veni, Vidi, Vici

160 4 5
                                    

"45% sa populasyon ng Pilipinas ang gifted o nakakakita ng ibang nilalang samantalang ang 55% naman ay hindi."

Isa ako sa 55% ng populasyon. Alam kong mayroong masasamang espirito pero hindi ako naniniwala sa mga ito. Maniniwala lang ako kung makakakita ako. Oo, nakakita na ako sa mga pelikula pero iba pa rin 'yung sa personal. "To see is to believe," ika nga nila. Gusto kong maka-experience na kinikilabutan at pinagpapawisan nang malamig.

Narito ako ngayon sa aking silid, na tanging ilaw ng laptop at cellphone ang nagbibigay-liwanag. Ako'y nakahiga, nagtatanong sa aking isip kung ano kaya ang itsura ng mga multo. Sinilip ko ang aking cellphone at tumambad sa'kin ang 11:11 at dali-daling humiling.

Sana makakita ako ngayon.

Maya-maya'y may narinig akong ilang kabog na parang paghakbang ng tao. Napahawak ako sa dibdib ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Ang sumunod ay ang pagtawag sa pangalan ko. 'Geo. Geo.' Naka-ilang ulit ang pagtawag ng nilalang sa'kin. Pabulong pa niyang sabi sakin. Tumindig ang balahibo ko sa naririnig ko.

Alas-dose na ng gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog. Sinubukan ko'ng uminom ng sleeping pills para makatulog na ako pero hindi pa rin ito tumalab.

Mas lalong hindi ako nakatulog nang makarinig ulit ako ng ilang pagkiskis ng kutsilyo sa kusina. Nakarinig din ako ng pagbukas ng plastic. Tunay na ba talaga to? Parang ang bilis naman natupad ng 11:11 wish ko. Pa-wish ulit. Follow-up wish. Sana pagkagising ko ay katabi ko na yung crush ko tapos naka-underwear nalang siya. Syet. Ano ba 'tong iniisip ko? Mamamatay nalang ako puro kalaswaan at kahalayan pa rin ang nasa isip ko. Mapapatay ka nalang, Geo, ni Kamatayan ay kabastusan pa rin nasa isip mo. Seryoso na.

Ilang ulit akong nanalangin ng “Ama Namin” at “Sumasampalataya” pero hindi pa rin tumitigil si Kamatayan. Ako na ata ang pinakamadasaling tao ngayon.

Panginoon, tulungan Niyo po ako!

Nagbibiro lang po ako roon sa una kong hiling. 'Yun nalang pong pangalawa ang tuparin Niyo. Mas masa-satisfy po ako roon.

Bumukas ang pintuan sa kwarto ko. Lumakas lalo ang tibok ng puso ko. Biglang bumukas ang bintana sa silid, kasabay ng pagpasok ng malakas na hangin. Nais kong abutin ang switch ng ilaw upang mabawasan ng kahit konti ang takot na nararamdaman ko ngunit takot na takot akong tumayo at baka kung ano pang mangyari sa'kin. Lalo kong ibinalot ang sarili ko sa kumot. Syet.

Ilang minuto ang lumipas at unti-unting bumukas ang pinto sa kwarto ko at dali-dali akong nagtalukbong sa ilalim ng kumot. Nakakatakot ang tunog ng pagbukas ng pinto, syet. Nanginginig na ako sa takot. Para na akong nasa isang horror film pero walang camera.

Panginoon, tulungan Niyo po ako!

Kumulog at kumidlat na naging dahilan upang makita ko ang kamay niya na akmang tatanggalin na ang kumot na nagtatago sa'kin.

Natanggal na niya ang kumot. Tanging pumikit na lang ang nagawa ko at tanggapin na katotohanan ito. Sa wakas, makakakita na ako ng multo. Hindi na ulit ako hihiling nang ganoon sa 11:11.

Dadampi na ang kamay niya sa akin. Handa na ako'ng makakita. Pero syempre joke yun.

Hinintay kong may dumamping kamay sa akin pero wala akong naramdaman. Bakit?

Narinig kong may inilapag si Kamatayan sa mesa malapit sa hinihigaan ko at unti-unting lumayo sa'kin.

Bumukas ang ilaw.

Dahan-dahan akong dumilat para makita kung ano'ng nangyayari. Nasa level 78 na ang courage ko. Kaya ko na 'to.

Nanatili pa rin akong gulat sa nangyari. Naaninag ko na ang kanyang itsura. Gusto kong mapamura nang malutong at malakas pero hindi ko magawa. Hindi pa humuhupa ang gulat sa dibdib ko. May sinabi siya habang nakatitig sa'kin.

"Geo, pare! Gulat ka ata? Ilang ulit kitang tinatawag kanina pero hindi ka pumunta sa kusina. Nalimutan mo atang may usapan tayong magmimidnight snack habang nanonood ng porn dito sa bahay mo. Nagdala ako ng chichirya at cake. Ito pala ang cake, oh hati ka ng part mo, heto kutsilyo."

The Last Five Standing (Summer Battle of 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon