Who I am? ( One - Shot )

1.8K 46 12
                                    

Do you still remember me? Ako yung babaeng pinagtanggol mo sa bumubully sakin. Ako yung babaeng tinanong mo kung okey lang ba ako. Ako yung babaeng ningitian mo pagtapos 'nun. Ako yung babaeng palihim na humahanga sayo. Ako 'yun. Ako.

Do you still remember me? Ako yung babae na kinaibigan mo. Ako yung nag iisang babae na kinakainggitan ng lahat dahil ako yung nag iisang babae na naging kaibigan mo. Ako yung babaeng lagi mong kinukulit. Ako yung babaeng lagi mong pinapatawa. Ako yung babaeng nilalapitan mo pag may problema ka. Ako yung babaeng pinagtatanggol mo. Ako yung babaeng pinoprotektahan mo. Ako 'yun. Ako.

Do you still remember me? Ako yung babae na sinurpesa mo sa birthday ko. Ako yung babaeng tuwangtuwa dahil 'dun. Ako yung unang babaeng binigyan mo ng regalo. Ako yung babaeng umiyak dahil napakasaya ko. Ako yung babaeng niyakap mo. At ako yung babaeng binulongan mo ng Happy Birthday. Ako 'yun. Ako.

Do you still remember me? Ako yung unang babae na dinala mo sa bahay nyo. Ako yung unang babaeng pinakilala mo sa magulang mo. Ako yung babaeng pinakilala mo bilang bestfriend mo. Ako 'yun. Ako.

Do you still remember me? Ako yung babaeng unang nakakita ng baby pictures mo. Ako yung babaeng unang nakatikim ng luto ng mama mo. Ako yung unang babaeng nalaman anong paborito mong ulam. Ako yung unang babaeng naging close sa pamilya mo. Ako 'yun. Ako.

Do you still remember me? Ako yung babaeng nakablind date mo. Ako yung babaeng niyakap mo sa panahon na 'yun. Ako yung babaeng nakasayaw mo. Ako yung babaeng hinalikan mo sa noo. Ako 'yun. Ako.

Do you still remember me? Ako yung babaeng unti unti nanghuhulog sayo. Ako yung babaeng palihim na kinikilig sa lahat nang pinaggagawa mo. Ako yung babaeng nahuhulog na bestfriend niya. Ako 'yun. Ako.

Do you still remember me? Ako yung babaeng pilit na itinatago ang nararamdaman niya. Ako yung babaeng palihim na tinatago ang kilig niya. Ako yung babaeng umaasa na sana gusto mo rin siya. Ako 'yun. Ako.

Do you still remember me? Ako yung babaeng sinabihan mo na may mahal kang iba. Ako yung babaeng itinago ang sakit na nararamdaman niya. Ako yung babaeng hiningian mo ng tulong para ligawan ang babaeng mahal mo. Ako yung babaeng pumayag sa pabor mo. Ako yung babaeng niyakap mo para sa pasalamatan. Ako yung babaeng tanga para sabihing wala lang 'yun. Ako babaeng umiyak pagtapos 'nun. Ako 'yun. Ako.

Do you still remember me? Ako yung babaeng nag ayos para sa ligaw mo. Ako yung babaeng tinulungan ka para sa mahal mo. Ako yung babaeng nakatingin sa inyo sa malayo. Ako yung babaeng humihiling na sana ako nalang yung babae na mahal mo. Ako yung babaeng palihim na pumapahid ng luha niya habang nakatingin sa inyo. Ako 'yun. Ako.

Do you still remember me? Ako yung babaeng tinawagan mo. Ako yung babaeng unang nakaalam na sinagot ka nag nililligawan mo. Ako yung babaeng nagsabing 'Congratulations' sayo. Ako yung babaeng sinabihan mo na ' The best ka talagang kaibigan' . Ako yung babaeng dapat matuwa dahil masaya ang bestfriend niya. Pero ako yung babaeng nasaktan ng sobra. Ako yung babaeng umiyak nanaman ulit pagkatapos 'nun. Ako 'yun. Ako.

Do you still remember me? Ako yung babaeng unting unting nakalimutan mo. Ako yung babaeng nakatingin sa inyo sa malayo. Ako yung babaeng dapat maging masaya para sa bestfriend niya. Pero ako yung babaeng na palihim na nagmamahal sa bestfriend niya. Ako 'yun. Ako.

Do you still remember me? Ako yung babaeng tinakbuhan mo pagkatapos mag away kayo ng girlfriend mo. Ako yung babaeng nakita kang umiiyak. Ako yung babaeng pumahid sa mga luha mo. Ako yung babaeng nagsinabing 'magiging okey lang ang lahat'. Ako yung babaeng sobrang nasasaktan dahil nakikita kong umiiyak ang taong mahal ko para sa iba. Ako 'yun. Ako.

Do you still remember me? Ako yung babaeng nakikita kang nasasaktan. Ako yung babaeng lagi kang sinusundo sa bar. Ako yung babaeng hirap na hirap na akayin ka. Ako yung babaeng sinukahan mo. Ako yung babaeng nagalaga sayo. Ako yung babaeng nasasaktan sa 'twing nakikita kitang ganito. Ako 'yun. Ako.

Do you still remember me? Ako yung babaeng gumawa ng paraan para magkaayos kayo ng girlfriend mo. Ako yung babaeng pumunta sa bahay ng girlfriend mo. Ako yung babaeng nakiusap sa girlfriend mo. Ako yun babaeng nagmakaawa sa harap ng girlfriend mo para balikan ka. Ako babaeng tanga sa lahat ng tanga. Pero ako yung babaeng mahal na mahal ka. Ako 'yun. Ako.

Do you still remember me? Ako yung babaeng tinawagan mo at ipinaalam na nagkaayos kayo ng girlfriend mo. Ako yung babaeng nakangiti na umiiyak habang pinapakinggan ka sa telepono. Ako yung babaeng masaya para sa inyong dalawa. Pero din yung babaeng nasasaktan habang nakikita kong masaya kayong dalawa. Ako 'yun ako.

Do you still remember me? Ako yung babaeng kinaseselosan ng girlfriend mo. Ako yung babaeng siniraan ng girlfriend mo sayo. Ako yung babaeng hindi mo pinaniwalaan. Ako yung babaeng pinagsalitaan mo ng masama. Ako yung babaeng mo hindi binigyan ng pagkakataon para pakinggan. Ako yung babaeng sinabihan mo na wala kwentang kaibigan. Ako yung babaeng sobra sobrang nasaktan. Ako 'yun. Ako.

Do you still remember me? Ako yung babaeng hindi mo na pinapansin. Ako yung babaeng hindi mo kaibigan. Ako yung babaeng wala na sayo. Ako yung babaeng parang hindi mo kilala. Ako yung babaeng nilalampasan mo nalang. Ako yung babaeng parang wala lang. Ako 'yun. Ako.

Do you still remember me? Ako yung babaeng naging kaibigan mo. Ako yung babaeng minahal ka ng buong puso. Ako yung babaeng ginawa ang lahat para maging masaya ka pero sa huli ako yung babaeng labis na nasaktan.

Pero ngayon hindi mo na ako halos kilala. Hindi mo na ako halos maalala.

Pero sino nga ba ako?

Para ipaalala sayo, na ako 'yung kaibigan mo na ginawa ang lahat para maging masaya ka kahit kapiling ka ng iba.

Fin-

A/n: Thank you for reading guys :) Hope you like it! Read my other's stories ^.^ Thank you!

WrittenBy:HannahJusthine

Who I am? ( One - Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon