Ako nga pala si Raven Claire Alfonso. I prefer Claire na lang ang itawag nyo sakin. Mahilig ako sa fashion, since I'am a 2nd year College, Fashion Designer ang kinuha kong course.
Two years past nung una akong magkaboyfriend, sa dinami-dami ng manliligaw ko siya ang pinili ko. Minahal ko siya ng sobra, kaso iniwan niya lang din ako. Sobra akong nasaktan ng dahil lang sa kanya.
Siguro ganon talaga ang pag-ibig, minsan kailangan mong masaktan para sa susunod alam mo na ang gagawin. Kaya eto ako ngayon, pinapangako na hindi na ulit ako iibig, maghihintay ng tamang pagkakataon para magmahal ulit, at ibibigay ko yun sa lalaking deserve ang pagmamahal ko.
*********
Claire's PoV
~Flashback~
Naglalakad ako ngayon sa corridor ng school namin ng may nakabungguan akong lalaki.
"Sorry miss nagmamadali kasi ako" sabi niya "Okay lang hindi ko din naman napansin eh" tugon ko "Ahmmm see you around miss?" tanong niya sabay lahad ng kamay niya "Claire" matipid kong sagot "Okay miss Claire, see you around" sabi niya at agad tumakbo papalayo.
Muka ngang nagmamadali yung lalaking yun at may hinahabol pa. Kakatapos lang ng first class ko kaya naglilibot lang ako sa corridor ng school.
Ang tagal naman ng bestfriend kong si Amanda. Kahit kelan ang kupad nun kumilos. Kaya naman hindi nagkakaboyfriend yun eh. Sino ba naman kasi magkakagusto sa babaeng ang bagal kumilos. Naalala ko tuloy dati nung may nakipag date sa kanya halos isang oras mahigit siyang nasa banyo at ang bagal niya pang mag-ayos kaya ayun pagdating niya sa meeting place wala na yung ka date niya nainip na sa sobrang bagal niya hahaha.
Ilang minuto lang ay nakarating na si Amanda.
"Uyy besh" Bati niya "Bakit ba ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay sayo" Tanong ko. Aba ang paalam ba naman niya sakin saglit lang daw ilang minuto lang pero halos kalahating oras din siyang wala.
"Sorry na besh ang tagal kasi ng pila sa cr pano ba naman kasi andun yung grupo nila Alisha saka papunta na sana ako dito nung bigla ako'ng sinita ng isang Prof kasi yung kulay ng buhok ko, eh ang sabi ko sadyang ganon na ang kulay ng buhok ko eh ang tagal pang maniwala nung Prof" Pagpapaliwanag niya.
"Sige na tara na sa canteen at baka malate pa tayo sa second class natin" Sabi ko "Saka napaka strict pa naman ni Mrs. Carpio pagdating sa oras" Habol ko pa. Napatango na lang si Amanda saka hinila ako at tumakbo na kami papuntang canteen para hindi malate.
Hinahabol ko na ang hininga ko ngayon dahil sa ginawa naming pagtakbo. Agad namang pumila at nag order si Amanda. Ng makatapos na siya sa pag order at nakuha na niya ang order agad na naman kaming tumakbo pabalik sa classroom namin dahil ten minutes na lang ang natitirang oras. Malalagot kami kay Mrs. Carpio pag nalate kami sa class niya.
5 minutes na lang medyo malapit na din kami sa 5th floor. Sa 5th floor kasi kami eh nasa 3rd floor pa lang kami kasi hinapo na si Amanda kakatakbo. Agad ko nang hinila si Amanda para tumakbo ulit kaso biglang may nakabunggo sakin.
Pagtingin ko sa lalaking nakabungguan ko bigla niyang nilahad ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Pagkatayo ko agad kong pinagpagan ang damit ko at nagsorry sa lalaking nakabungguan ko at narealize ko na siya din pala yung lalaking nakabungguan ko kanina sa corridor.
"Sorry" Sabi ko. Bigla naman siyang ngumiti "It's okay Ms. Claire" Tugon niya sabay kindat. "Btw I'm Kyle.....Kyle Suarez" Habol niya pa. Nakipag shake hands siya sakin. At natauhan lang ako ng biglang nagsalita si Amanda.
"Besh tara na late na tayo kay Mrs. Carpio" Sabi ni Amanda "Ayy oo nga pala" Sabi ko "Sige mauna na kami Kyle" Habol ko pa at saka hinila si Amanda. Ng makarating kami sa classroom napabuntong hininga na lang ako dahil andun na si Mrs. Carpio.
~End of Flashback~
YOU ARE READING
Until We Meet Again
Teen FictionHanggang kailan mo mamahalin ang taong nanakit sayo ng sobra? Masakit kung bumalik kana pero aalis ka ulit... Masakit.... Sobrang sakit.....