Ladies!
Madaling magka boyfiend kung gugustuhin,
Lahat ng manliligaw mo'y pwedeng sagutin,
pero salamat Sa Lord at di ka masuwayin.
Madaling makisabay sa uso,
Pananamit na kita ang hita at braso,
Paiksian ng suot sa kanto,
pero salamat Kay Lord at di ka ganung tao.
Kung minsan nagiging apurada na,
Napapatingin at lingon sa iba,
at madalas naiingit pa,
tanung "Lord nasan na ba sya?
Matagal pa ba ang byahe nya?
Pakiusap, ipakilala mo na kame sa isat-isa"
Pakiramdam moy handa kana
ngunit sabi ni Lord hindi pa,
kaya maghintay ka pa.
Kesa masaktan ka ng maaga,
baka sisihin mo pa Si Lord sa nagawa Nya.
Madaming lalake ang umaaligid,
Walang sinabi ang tao sa paligid.
Pero si Lord patuloy na nagpapakamanhid,
Ayaw nya ng ika'y madapa at mapatid,
ay tiyak! Maiiyak kana lang sa gilid.
Uy! Mabait at magalang na,
may bonus, Kristiyano pa!
Lahat ng tao sa paligid nyo ay kasundo nya,
Pati si Pastor kabiruan pa!
Ay baka sya na ang itinakda,
na maaring mahalin at ipakilala.
Ngunit sabi Ni Lord wag muna,
manahimik at maghintay ka.
Baka ang akala mong SYA na,
Di pala ikaw ang iniirog nya.
Ito pang isa, kachurchmate mo pa,
Mahal nyo raw ang isat-isa,
palitan ng mensahe ay hobby na,
ngunit sinisekreto pala sa iba.
Pati si Pastor pinaglihiman na,
kasi sabi nya Bawal pa.
Kaya naman nung nalaman nya,
Kayo'y pinagsabihan at pinaghiwalay muna,
Ayun, pati ministry sira na.
Di porket sa church nakilala,
Ay masasabi mong sya na.
Pwedeng gusto mo sya,
gusto ka nya,
pero di kayo ang gusto Ni Lord para sa isat-isa.
Maaring panahon ay tama na,
ngunit maling tao pa.
Maaari ding tamang tao na,
Pero panahon ay hindi pa.
Maaaring matured kana,
Ganun din sya
sa gawain nyong dalawa,
pero may dapat paring unahin muna.
Wag sundin ang gusto ng puso,
yung panandaliang kilig at tukso,
Tandaan puso ay manloloko
Baka pati ikaw ay magoyo.
Pagkilos Nya'y iyong pahintulutan,
Pag pasok sa ganyang relasyon ay wag kasabikan,
Di baleng sabihan kang napag iiwanan,
kung ikaw naman ang babaeng dapat iingatan at aalagaan,
Ng taong ikaw ay pinaghirapan. ☺
Hindi dapat si Lord ay madaliin,
Pag sulat Nya ng istorya nyo ay di Nya kayang paiksiin.
Tandaan, ang bungang hinog sa pilit
kinalabasan nito ay mapait at masakit.
Ipag pray mo Kapatid,
Si Lord di ka Nya hahayaang maglakad mag-isa sa daang makitid,
Sa laban ng buhay gusto Nya ikaw ay may kapiling,
Upang lagi lang may kilig ang feeling.
Ang sarap kayang maging babaeng pinaghihirapan,
yung dadaan muna sya sa butas ng karayom upang Oo mo ay makamtan.
Yung babaeng maipagmamalaki sa iba,
dahil hindi ka kagaya ng iba!
Dapat babaeng iniingitan,
Hindi yung basta basta iniiwanan.
Dapat babaeng kagalang galang,
Hindi yung binabasta lang!
Yung babaeng punong puno ng pagmamahal,
Yung masasabi mong mauuwi sa kasal.
Dapat babaeng iintindihin sya,
Kasi mahaba ang iyong pasensya.
Sarili mo ay ireserve,
para sa taong kadeserve deserve.
Hindi Si Lord busy,
abala lang sya sa pagsusulat ng inyong Love story.
Oh diba mas nakakakikig isipin,
yung magandang plano Ni Lord na mahirap abutin
ng kahit bibig moy di kayang bigkasin
dahil sa plano nyang kahit sino kikiligin.
Wag mong ipagpray yung taong ilalapit ka kay Kristo,
Dapat yung taong kay Kristo ay hindi ka ilalayo.
Mahalin mo yung taong mas mahal Si Kristo kesa sayo,
Nakakasiguro kang takot yan manloko
at sayo'y laging seryoso.
Ang partner pinag ppray yan,
Hindi sa tabi-tabi natatagpuan!
Kay Lord kasi unang mararanasan
Ang pagibig na pang magpakailanman.
Amen!