Chapter 15

51 2 0
                                    

Sofie POV

"Kamusta naman ang naging outing nyo" tanong ko kila Sandy. Katatapos lang namin kumain ng hapunan, yung fruit salad na gawa ko nalang ang kinain namin.

"Ayun ok naman, naging kaibigan ko yung mga asawa ng officemate ni Marco" nakangiting sagot ni Sandy. "Ang saya nga ng naging outing namin"

"Halata nga, mukang naghoneymoon pa kayo dun eh!" biro ko sa kanila.

"Aba'y syempre walang panggulo dun eh" pakikisakay ni Marco sa biro ko saka tumawa.

"Marco" para namang naiiskandalong sabi ni Sandy. "Nandito yung mga bata, nakakahiya"

"Dad, Mom wag na po kayong mag-anak ulit. Si Barbie lang po sakit na ng ulo" pahayag ni Terence.

"Hindi kaya" kontra ni Barbie.

"Naku ayaw mo pang umamin, totoo naman eh!" pang-iinis ni Terence.

"Nakakaasar kana kuya, Dad,Mom oh si kuya inaasar ako" pagsusumbong ni Barbie.

"Hahaha tumigil na nga kayo baka mamaya mag-away pa kayo dyan. Ano Terence may pasok na ba kayo bukas?" tanong ni Marco sa anak niya.

"Yes Dad"

"Pagbutihin mo at malapit na yung graduation mo."

" Opo Dad, pinagbubuti ko naman po yung pag aaral ko ,si Barbie lang naman po yung mababa yung grades" baling ni Terence kay Barbie.

"Ano ba yan kuya,ako na naman napansin mo" inis na sabi ni Barbie.

"Totoo naman kasi na mababa yung grade mo"

"Ou nga hindi naman kasi ako katulad mo na kahit di na mag-aral matalino parin".

"Anak matalino ka rin naman kaya lang kailangan mo pa rin siyang iimprove" sabi ni Sandy.

"Sinisikap ko naman Ma, kaya lang kailangan medyo nahihirapan ako pero promise po pagbubutihin ko pa po sa susunod" pangako ni Barbie.

"Sige Barbie pagbutihin mo pag tumaas yung grade mo bibilin ko na yung pinabibili mo sakin"

"Talaga Dad" tuwang tanong ni Barbie

"Ou kaya tuparin mo yang pangako mo ha"

"Opo Dad"

"Maiba ako kamusta yung naging prom ninyo Terence?"

"Ok naman Dad" maikling sagot ni Terence.

"Sino naman ang nakadate mo dun"

"Si Tita ang inaya niya Dad" sagot ni Barbie.

"Oh talaga! Anu naman ang ginawa ninyo dun?"

"Kumain at nagsayaw lang kami Dad" tipid na sagot ni Terence.

"Ganun  parang ang boring naman pala kuya" singit ni Barbie

"Ba't mo naman nasabing boring aber?"tanong ni Terence

"Eh kasi kayo lang pala ang nagsayaw ni Tita kung ako yun makikipagsayaw ako sa lahat hanggang mapunpod ang sapatos ko" tila nangangarap na sabi ni Barbie.

"Barbie bata ka pa para isipin yan, pag 21 ka na saka kalang pwedeng makipagsayaw sa lalaki at magboyfriend" sabi ni Marco.

"Ba't Dad ang tagal pa nun, yung classmate ko nga may boyfriend na tapos ako pag  tungtong ko pa ng eded na 21. Hindi makatarungan yun Dad" reklamo ni Barbie.

"Ok sige kung ayaw mo non baguhin natin pag 25 ka na saka kalang pwedeng magboyfriend and that's final" ma awtoridad na sabi ni ni Marco.

"Dad masyado na kong matanda nun!" reklamo ni Barbie na akala mo naman eh matanda na nga yung edad na 25."Ma si Daddy oh!" sumbong ni Barbie kay sandy.

Tiningnan lang siya ni sandy na parang sumasang-ayon ito sa sinabi ni Marco.

"Tita?" baling naman sakin ni Barbie.

"Pasensya na Barbie pero wala akong karapatang kontrahin ang sinabi ng Daddy mo".

"Tita pati ba naman kayo. Tsss kainis wala manlang akong kakampi dito" nagdadabog na sabi ni Barbie . "Ma  dun po muna ko  sa kwarto ko".

"Hahaha kahit kelan talaga pikon si Barbie" natatawang sabi ni Terence.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Torn Between Love Or FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon