(Short Story)...

68 47 6
                                    




Isang madilim at maulan na gabi, kinailangang bumalik ni Sandy sa opisina niya dahil naiwan niya roon ang susi ng bahay niya. Kaya kahit nangangalahati na siya sa daan pauwi sa bahay niya, wala siyang ibang pagpipilian kundi ang bumalik.

Kilala naman niya ang Security Guard na si Mang Obet. Sigurado naman siyang papayagan siya nitong makapasok para kunin ang susi niya na naiwan sa desk niya.

Habang nagda-drive pabalik ng office ay narinig niya ang pag-ring ng phone niya. Agad niyang sinagot ang tawag dahil baka importante. Nang sagutin ang tawag ay namatay na kaagad ang phone niya nang hindi man lang nakita kung sino ang tumawag.

"Lowbatt!" naiinis na bulong niya. Kung mamalasin nga naman.

Ihinagis niya sa passenger seat ang phone dahil sa sobrang inis. Nag-focus na lang siya sa pagda-drive. Medyo madilim na rin kasi ang daan. Idagdag pa ang malakas na ulan.

Napatingin siya saglit sa phone niya. Icha-charge niya na lang siguro muna. Tutal may charger naman siyang dala.

Pinilit niyang abutin ang charger na nakalagay sa backseat. Sa bag niya. Pasulyap-sulyap pa rin naman siya sa harapan dahil nga nagmamaneho siya. Nang masigurong maluwag ang daan ay sinikap niyang maabot ang bag. Naabot niya naman.

Kaso huli na nang mapansin niya ang babaeng nasa harapan niya na. Huli na nang ma-i-preno niya ang kotse. Tinamaan na ito.

Sa gitna nang malakas na ulan, sa ilalim ng gabi... tahimik at nangangatog na inihinto niya ang sasakyan. Pinag-iisipan kung bababa ba para silipin ang babaeng nasagasaan niya.

Dahan-dahan ay binuksan niya ang pinto at lumabas. Nakita niya kaagad ang nakadapang katawan ng babae na basang-basa na rin ng ulan. Mas lalo siyang nanlamig ng nalapitan niya na ito. Hindi na kasi ito gumagalaw.

Sa kaba ay mabilisan niyang hinila ang babae at dinala sa bandang madamong lugar. Buti na lang at bukirin ang paligid. Saglit na tiningnan niya ang katawan bago takot na takot na tumakbo pabalik ng kotse.

"Walang nakakita. Wala," bulong niya sa sarili bago pinaandar papalayo ang kotse.

Nanlalamig at basa na siya nang makarating sa office. Pinapasok naman kaagad siya ng guard kaya nakuha niya ang susi. Kinamusta pa siya nito dahil mukha raw siyang balisa, kaso sinabi niya ay magmamadali siyang umuwi.

Habang nasa daan ay may nadaanan siyang matandang babae na may dalang isang bilao. Huminto siya nang parahin siya nito.

"Ineng, bilhin mo na itong mga puto na paninda ko. Para makauwi na ako. Hahanapin ko rin kasi ang anak ko," nagmamakaawang sabi nito.

Napalunok siya. "M-magkano po ba lahat?"

"Kahit tatlong daan na lang. Para makauwi lang. Nag-aalala na kasi ako sa anak ko. Babae pa naman," sagot nito.

Mas lalo siyang kinabahan. Iniisip na baka ang babaeng nasagasaan niya ang hinahanap nito.

Nagmamadaling kinuha niya ang pitaka at kumuha ng limang daan.

"Papakyawin ko na po 'yang puto niyo. Keep the change na rin po." Sabi niya at nagmamadaling inabot ang pera. Inabot ng matanda sa kaniya ang bilao. Bubuksan niya sana para tingnan pero pinigilan siya nito.

Tiningnan siya nito nang diretso sa mata. "Doon mo na sa inyo buksan."

Kinilabutan siya sa pagsasalita nito. Na parang may alam ito na hindi niya alam.

"Taga-saan po ba kayo? Ihahatid ko na po kayo," sabi niya rito.

Ngumiti ito. At kinilabutan na naman siya sa paraan ng pagkakangiti nito. "Huwag na, Ineng. Sa bukirin ako nakatira. Siguradong hindi mo gugustuhing pumunta ro'n."

Saglit siyang natulala at naalala ang babaeng nasagasaan niya. Iniwan niya ito sa bukirin...

Sa sobrang kaba ay nagpaalam na siya sa matanda at nagmamadaling umalis do'n. Nakita niya sa rearview mirror na nakatayo lang ang matanda kung saan niya 'to iniwan hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin niya.

Nang makauwi sa bahay ay pagod na pagod at takot na takot na pumasok siya. Bitbit ang bag at bilao ng puto na binili pa niya sa matanda.

Napatitig siya sa bilao nang ipatong niya na ito sa lamesa... naalala niya no'ng pigilan siya no'ng matanda na buksan ito.

Dahan-dahan ay inalis niya ang takip...

Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Totoo ngang hindi mo maitatago ang katotohanan kahit anong pagtatago pa ang gawin mo. Lalabas at lalabas ang totoo.

Isang kahindik-hindik at hindi katanggap-tanggap ang nakikita niya... Sana ay binuksan niya na agad kanina pa. Para nakapaghanda siya.

Hindi niya napigilan ang mapasigaw sa gitna nang malalim na gabi. Isang nakakapangilabot na pangyayari.

Dahil hindi puto ang laman ng bilao. Hindi puto ang laman nito...










































...Kundi bibingka.







-The End.-



-----



Grabe. Kinilabutan ako sa short story ko na 'to. XD

Word VomitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon