Puppy Love (One shot)

230 9 0
                                    

"Things happen because we choose to. There may be regrets but blaming is not an option. We are where we are because we brought ourselves there. We get happy, get sad, but most importantly, we learn."

  Isa lamang yan sa mga paboritong quotes ni Shannel dahil parang nakakarelate siya dito. Dahil sa tuwing naaalala niya itong quotes na ito bumabalik sa kaniyang isipan ang mga nangyari noong high school pa siya.

  Isang mabait, matalino at simplent tao si Shannel. Hindi mayaman ang pamilya nila pero napag-aaral sila magkakapatid ng kanilang parents sa private school. Nagpapakahirap ang mga ito para makapagtapos silang tatlong magkakapatid.

  Siya ay isa sa mga scholar sa kanilang school noong high school pa siya. Kaya naman lagi niyang pinagbubutihan tuwing may exam. Lagi lang libro ang kaharap ni Shannel. Kaya naman akala ng mga classmate niya ay may pagka-abnormal siya. Nung unang taon niya sa high school medyo lumalayo pa ang mga classmates niya dahil napaka-tahimik nito. Pero syempre sa una lang yon, kaya di nagtagal nagkaroon na siya ng mga kaibigan, hindi lang sa section nila kundi pati na rin sa ibang sections.

  Sila Jessa at Loraine ay isa lamang sa mga naging malapit na kaibigan ni Shannel. Si Jessa ay isang prankang tao, wala siyang inuurungan na problema, at napakatapang nito. Kaya naman lagi siya ang takbuhan ni Shannel tuwing may nang-aaway sa kanya. Samantalang si Loraine ay kabaligtaran naman ni Jessa. Isang napakahinhin at daig pa ang isang maria clara kung kumilos. Kaya tuloy madalas mainis sa kanya itong si Jessa.

Hanggang sa third year high school sila pa ring tatlo ang magkakasama. First week yon ng pagiging juniors nila, naalala pa niya na doon niya nakilala si Mike. Inutusan kasi siya ng teacher nila na mag-check ng attendance nila. Kaya ng tawagin niya ang pangalan na Mike Cruz walang sumasagot sa kanya kung absent ba ito o present. Nakailang beses niya itong tawagin. Nung nag-counter check ang kanilang teacher kung tama ang ginawa ni Shannel, biglang may tumayo na isang lalaki, matangkad ito at medyo may itsura ngunit unang tingin pa lang niya dito ay napaka-yabang na. 

  "Sir, ako po si Mike Cruz! Sinong nag-sabing absent ako?"

  "Shannel, halika nga dito, ba't nilagay mong absent si Mike? Eh nandito naman pala siya."

  "Sir hindi ko po alam na nandyan siya kasi naman po halos ipagsigawan ko na po yung pangalan na Mike Cruz eh wala naman pong sumasagot!"

  Simula nung mga araw na iyon inis na inis siya kung bakit naging classmate pa niya itong transferee na ito na saksakan pa ng yabang. At simula rin nung mga araw na iyon hindi na siya tinatantanan nito. Lagi siya nitong inaasar, walang araw na hindi siya nakikita ni Mike. Feeling niya tuloy hindi kumpleto ang araw nito kapag hindi siya nakita. Gustong-gusto na nga ni Jessa na i-confront itong si Mike para tigilan na nito si Shannel, ngunit itong si shannel lang ang pumipigil dahil kahit ganon ito sa kanya may awa pa rin siya dito.

  Lumipas ang ilang buwan, natanggap na nila Shannel ang kanilang card. Masayang-masaya siya kasi siya pa rin ang top lister sa klase. Isang araw maagang pumasok si Shannel sa school dahil sumabay siya sa kanyang Papa. Pagpasok niya ng classroom napakadilim dahil nakapatay ang mga ilaw akala niya wala pang tao, nagulat siya ng makita niya si Mike. Narinig niyang umiiyak ito at nahuli niyang nagpupunas ng luha habang siya'y papalapit. Nang mga sandaling iyon naalala niya na ilang araw na rin pala ang lumipas matapos nila matanggap ang kanilang class card at hindi na rin siya inaasar ni Mike. Napansin rin niyang naging tahimik ito sa klase. Minsan nga akala niya hindi ito pumasok dahil hindi niya ito naririnig na nagsasalita. Tinanong niya ito kung ayos lang ba siya. Ngunit bigla siya nitong niyakap. Sa pagkagulat niya naitulak niya ito ng malakas.

  "Sorry nabigla lang ako, ikaw kasi bigla ka na lang nangyayakap!"

  "Sorry rin hindi ko sinasadya. Wala na kasing gustong makinig sa kin eh..."

Puppy Love (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon