Chapter 6

23 4 0
                                    

Safire's POV

Magkasama kaming anim patungo sa classroom at hindi nagkikibuan.Napaubo naman si Collins pero patuloy parin kami sa paglalakad.

"Di ko na kaya." Sabay na sabi ng kambal at napatigil sila sa pag-lakad kaya napatigil rin kami. Sabay rin silang tumingin sakin. Binigyan ko naman sila ng may problema-ba-look.

"Saf, kaano-ano mo ba yun?

"H-huh? A-auh." Shit Gail. Ba't nauutal ka? Napayuko nalang ako dahil di ko alam kung anong sasabihin ko. Mahirap balikan ang hindi dapat balikan na nakaraan.

"Saf? Ano? Bakit grabe maka-feeling close yung babaeng yun kanina tapos sobrang tahimik mo at ikaw parin yung nakikita niya? Napabuntong-hininga nalang ako

" Ex...best friend. Pero di ko alam kung best friend ba talaga yung turing niya sa'kin" ngumiti nalang ako tapos kong sabihin yun. Napaawang naman yung bibig nilang apat except kay Alexander na nakatingin lang din sakin.

"Sorry Saf, di namin alam" sabay ulit na sabi nila.

"Ano ba kayo? Okay lang yun" nakangiting sabi ko sakanila para hindi na sila mag-alala pa.

Dito na kami sa tapat ng classroom at ako yung unang pumasok at...

*Splash*

O_O

"Waaaaahhhh!!!!!" Paano ba naman kasi pagpasok na pagpasok ko may nakaabang na pala na patibong para saakin.! Napatingin naman ako sa harap ko at nakita ko naman si Megan pati yung mga alipores niya na nakataas yung kilay na masama tingin sakin. Ughh!! Ang lagkit slime siguro to. Saan niya naman nakuha to?

Nandito narin sa loob yung lima at ang sama ng tingin kina Megan pero si Alexander ay may kinukuha sa bag niya. Huhuhuhu sobrang lagkit kasi eh.. Hinalo ba ng maayos to?

"Ohhh" Waahh!! Inabot sakin ni Alexander yung towel niya. "Salamat." Tinanggap ko na agad iyon dahil ang lagkit talaga eh..

Mas sumama naman yung titig ni Megan saakin. "Sino ka naman para gawin to sa kaibigan namin ha?" Tanong ni Veronica kay Megan pero parang wala naman siyang pakialam.Sinundan naman ni Vanessa. "May gusto kaba kay Kuya? Well, kung meron man di kayo bagay at di rin kami papayag kaya chu! Diba Roni? Napalaki naman yung mata ni Megan at padabog na naupo. Napatango naman si Veronica. Maski ako nagulat sa sinabe ng kambal pero atleast tinuturing nila akong kaibigan

Hayy...Dumeretso nalang ako sa upuan ko at nilagay yung bag ko. "Linisin mo yan" narinig ko pang sabi ni Collins.

Fallen Inlove (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon