DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the authors imagination or used in fictional manner. Any resemblance to actual persons, living or dead is purely coincidental. Please do noy distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of the story in any way.--
"You can always say no Trixie! Na babaliw ka na ba?!"
Natawa ako sa pag hihisterya ni Hera, She's one of my best friends. Naka pamaywang itong nakatingin saakin habang nanlalaki ang mata nya sa sobrang inis. Napailing ako sa kanya.
"Chill Hera. I'm fine ok? Ok na ako--"
"OK my ass! Do you think I will buy that crap?!" Nanggagalaiti nanaman sya sa galit, natahimik ako at napayuko.
"Ikakasal yung traydor nating bestfriend sa pinakamamahal mong Ex-boyfriend! Tapos pumayag ka pang maging maid of honor! Nababaliw ka na ba?!"
Sinalubong ko ang matalim nyang tingin at agad namang nawala ang inis sa mga mata nya at napalitan ng awa. Ang traydor kong luha ay kusa ng na hulog.
"What can I do Hera? he fell out of love! Kasalanan ko bang si Gladys ang napili nyang mahalin--"
"Kase nilandi nya Trixie! And Russell cheated on you! I was with them the whole time ilang beses ko na bang sinabi sayong niloloko ka na nya?! And you believed him when he said his lame excuses?! he fell out of love?!! THE FVCK TRIX! Kung hindi mo ko pinigilan noon baka napatay ko ng yang haliparot mong bespren!"
"Kung hindi kita pinigilan baka nakakulong ka na ngayon."
Nag tiim ang bagang nya sa galit.
"Can you please listen to me?? Please? kahit ngayon lang Trixie. Please, wg ka ng pumunta sa kasal, masasaktan ka lang. Stop torturing yourself, kahit ngayon lang mahalin mo ang sarili mo."
Dali-dali nyang Dinampot ang bag nya at lumabas ng aking kwarto. Di ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak.
Si Russell, ang ex ko. Tatlong taon ko syang naging boyfriend. Hindi ko masasabing perpekto ang relasyon namin, magkahalong hirap at saya ang pagsasama namin.
Nag trabaho ako sa abroad para makatulong sa pag iipon naming dalawa kahit na alam kong kaya nyang tustusan ang para sa kasal namin, hanggang naging cold na sya saakin at nakipag hiwalay. Ang sabi nya ay may mahal na daw syang iba at hindi nya kaya ang long distance. Desidido na sana akong umuwi non kung hindi nya lang sinabing si Gladys pala ang sinasabi nyang mahal nya at buntis pa.
Para akong pinagkaitan ng tadHana noon. Sobrang sakit sa pakiramdam. Yung paghihirap ko sa ibang bansa para makapag ipon para sa kasal at future namin ay nawala na parang bula. Lahat ng pangarap ko para saaming dalawa gumuho.
Hindi ko pa rin lubos maisip na pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan namin, parang ang dali-dali lang sa kanyang itapon na lamang yon.
Samantalang ako? hanggang ngayon ay masama pa din ang loob ko, pinipilit ko lang maging ok dahil naapektuhan ang mga tao sa Paligid ko.Si Gladys ay bestfriend din namin ni Hera. Nung nasa abroad ako ay binalaan na ako ni Hera pero hindi ako nakinig, syempre si Gladys yon. Alam kong may pagka malandi din yon pero hindi ko naman inaasahang si Russell pa na boyfriend ko ang aahasin nya.
Yung pangarap na makasama sya habang buhay ay ako lang pala ang bumuo. Ako lang ang gumuhit ng mga imahinasyong akala ko kaming dalawa. Na sa mga oras na ito, ako dapat ang naglalakad papunta sa altar ngayon at hindi si Gladys. Ako dapat ang may suot ng wedding gown na suot nya ngayon. Ako dapat ang masayang tinatahak ang daan papunta sa lalaking pinakamamahal ko.. At ako dapat ang nginingitian nya ng ganyan at hindi sya.