Unspoken: One

23 1 0
                                    


Biglang dumating ang aming professor habang kanina ako ay tulala sa kalawakan. Maraming iniisip. Mga bagay na hindi kayang ilabas ng aking bibig.

            

 Ngayon na ang release ng results sa grades namin. Tila isang karera ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan sapagkat ngayong sem nawawala ako sa focus. Hindi ko alam pero maraming bagay ang gumugulo sa isip ko. 

               "Ms. Reyes? Follow me in the faculty." Tawag sakin ni Mrs. Salazar

Tiningnan naman ako ng mga kaklase ko at ngumiti lang ako. I followed Mrs. Salazar going to the faculty. I can sense any disappointment in her aura today. 

 Nang makapasok na kami sa faculty pinaupo niya ako sa room at sandaling may kinuha sa drawer. Maya maya ay bumalik na siya. Tiningnan niya ako ng mariin at huminga siya ng malalim. I knew it. 

 "What happened to your grades Ms. Reyes? Especially in your Civil Engineering subject?" Mahinahong tanong ni Mrs. Salazar at iniabot ang aking grades. 

Nawawala ako sa focus Mrs. Salazar. Minsan nakakapagod. Nawawalan na ako ng motivation. Hindi ito ang gusto ko. Hindi ito ang pangarap ko. 

 "I'm just stressed-out lately Ms. Salazar. Hindi po kasi ako nakapag-review ng maayos." sagot ko sakanya. Bahagyang kong pinagmasdan ang aking marka. 1.0 lahat maliban sa isang subject. Civil Engineering: 3.0 

"You know how your parents check on you from time to time." Umayos siya ng pagkakaupo I painted a fake smile. 

Right, they check me from time to time but never tried to ask if I am I "okay"? 

 "I'll them about this right away. I'll go ahead prof." Tumayo na ako at nagsmile sakanya. Lumabas na ako ng faculty at sumandal muna ako dun sa pader. I leaned my head at tiningnan ulit ang grades.

I'm such a disappointment. Siguradong magagalit sina mom at dad nito. I'm a consistent top 1 in our class and I'm running for suma cumlaude. Hindi ko hate ang Math. I love Math but Civil Engineering is not the course I wanted to take. 

Hindi ko alam na bulletin board pala ang kaharap ko ngayon. Sa kabilang wall dun nakalagay ang school issues and everything. Habang pinagmamasdan ko iyon, I noticed something interesting. Pero bigla itong tinanggihan ng aking isipan. Magagalit lang sila mom and dad. All this time, they just want me to focus in all academic activities and such. Paalis na ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko. 

 "Aria!" Lumingon ako sa tumawag sakin. It was Abby Montenegro. She waved at me and I just smiled at her. Hindi naman talaga kasi ako ganun ka sociable sa mga tao. She's from the Accountancy Dep. Pero I don't know kung bakit niya ko kilala. Lumapit siya sakin. 

"Gusto mo bang sumali sa organization namin?" She asked me with a cheerful smile.
Alright I remember, siya pala yung President ng PhotoWriters Guild where photographers and writers are joined as one. 

 "Hindi ako pwede eh. Marami pa akong dapat icompile." Umiwas ako ng tingin sakanya. Her cheerful face turned into a disappointed one. 

"Ahh sige next time nalang, may last sem pa naman eh. Sayang kasi naghahanap kami ng new recruits para makasama sa International PhotoWriters Guild Conference." 

"Sorry talaga ha. Hindi kasi ako pwede eh." I said. 

"Okay lang Aria. Sige mauna na ako. Bye!" Lumakad na siya palayo sakin. Habang tinitingnan siyang naglalakad palayo saakin. Napabuntong hininga ako.   

I definitely wanted to join Abby. But the society doesn't want me to. Iba ang gusto nila para saakin. 

Nagsimula na rin akong maglakad pabalik sa classroom ko. Nang makapasok ako, wala pang prof. Kaya sinuot ko yung headphones ko at nakinig ng music then closed my eyes. 

Her Unspoken Real ThoughtsWhere stories live. Discover now