"Extra infos"
Jomathy's pov:
*uwian*
Dahil nga ayaw kong puro klase nalang ang istoryang to ay finast forward ko na
Nandito na kami sa bahay, nagluluto ng makakain para sa meryenda namin, si jemila nanaman ang nagluluto at nagdadasal sina yolina, peter at mark na sumarap ang pagkain at tong si ken, hindi ko mabasa ang nasa isip niya dahil mukha siyang tanga
Parang umiire o tumatae ang mukha
"Hoy! Any problem?" Tanong ko at tumango naman siya
"Bro, umamin na si rafael" mahinang sabi ni ken dahil ayaw muna daw niyang malaman ni lendy ito dahil for sure ay masasaktan siya
Na CR ngayon si lendy, siguro tumatae o naliligo, ewan! Wala namang cctv sa cr! Paano ko makikita yung loob ng cr kung walang cctv?
"Sino gusto niya?" Tanong ko
"Malakas ang kutob ko na si hanna yun" sabi ni ken at napakunot naman ako
"Ano? Si hanna cristina buenavista, yung mayamang doctor ang magulang na pasikat na nagaaral ngayon sa madlu ang gusto ni rafael?" Tanong ko. Imposible! Eh isang year na silang break ni zander!
"Alam naman na ninyong lahat na break na si zander at hanna pero bakit ganon yung reaction ni rafael? Diba dapat natutuwa siya?" Tanong ko naman
"Eh paano siya matutuwa kung nasasaktan si hanna dahil sa pinaggagawa ni zander" sabi ni ken. Eh? Ilang years na silang nagiibigan! Kung sinasaktan ni zander si hanna noon pa edi dapat brineak na ni hanna ng masmaaga!
"Eh bakit? Alam mo ba yung dahilan?" Tanong ko at umiling naman siya, wala palang eksaktong dahilan!
"I don't think it's hanna! Masmaganda pa ako dun noh" totoong sabi ko
"It's not hanna" sabi ni lendy galing sa likod ni ken at napatakip sa bunganga si ken
"Sabi ni rafael, kaibigan natin ang napupusuan niya" sabi ni lendy
"So, it's not hanna dahil bago palang siya sa university" sabi ni ken, "eh sino?" Tanong ni ken
"Isipin niyo. Bakit naging cold si rafael?" Singit ni jemila pagkatapos magluto. Amoy ko agad ang sunog na cake
"Ang dating masaya na si rafael ay naging cold na. Babae talaga ang may dahilan pero ang tanong, sino naman ang napupusuan ni zander" singit ni yolina galing sa labas
"Napupusuan niya? Si hanna lang ang alam ko" sabi ni peter na galing din si labas
"Nung field trip natin noong meron pa si dhonna, masaya ba dun si rafael?" Tanong ni ken
"Oo!" Sabi ko. Oo nga noh! Tapos yung nagkasama pa si zander at dhonna sa iisang kwarto
"Nung nawala si dhonna, naging cold na ba si rafael?" Tanong ni yolina
"Oo" sabi ni lendy. Omg
"Ako ang tanungin niyo. Alam ko ang nangyari" sabi ni mark. Ay ampotek naman nito! Talagang pinahirapan pa kami! Alam pala nitong mokong na to eh
"Ba't di mo sinabi ng maaga" angal ng lahat
"Nagkasama si dhonna at zander, nakita ni rafael, doon na umiba ang awra ni rafael. Isa lang ang ibig sabihin nun. May gusto si zander kay dhonna dahil nakita ko sila sa mall noong birthday ni zander at iba ang pagtingin ni zander tapos itong si rafael naman, naaalala niyo nung first day? Yung sinabi niya na nafall inlove siya sa babaeng may maikling buhok? At walang pakealam sa mundo? It's probably dhonna! Ang sagot ay si dhonna" mahabang sabi ni mark
YOU ARE READING
Alien sisters [On-Going]
HumorThis book is mainly focused with love. "Falling in love isn't a crime but falling in a wrong person is a sin" (unknown, n.d.) Language/s: Filipino, English Categories: Humor, Romance Date started: July 05, 2017 Date finished: on going (I might not...