One

141 0 0
                                    

"Congratulations, Enj."

Paulit-ulit. Masaya. Nakakagalak. Lahat yan ang naririnig ko. Lahat binabati ako.

"Keep up the Top 1 rank Miss Garcia. Junior ka na next year. Congratulations!" bati sa akin ng ni Mrs. Gonzales.

Masaya kong binaybay ang daan pauwi ng bahay. Isa na namang magandang balita ito para kay inay.

"What the F?!" muli ko na namang narinig ang mahiwagang F sa daan na iyon.

Bumili ako ng pansit sa katabing carinderya ng bar na iyon bago tuluyang dumiretso ng bahay.

"Nay. Nay. NAAAAAAY!!!"

Agad kong isinugod si inay sa ospital. Habang tunatagal palala ng palala ang kalagayan niya. Habang tumatagal palubha siya ng palubha.

"Enj. Saan ka kukuha ng pambayad dito? Wala tayong pera? Hindi ito kakayanin ng ipon mo."

Hinaplos ko muna siya sa noo bago nagsalita. "Nay, wag mo na po yang isipin. Gagawa po ako ng paraan. Hihingi po ako ng tulong. Ako na po ang bahal. Basta magpagaling ka lang nay."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Mag aaral ka ng mabuti. Yan lang ang maipapamana ko sayo. Magiingat ka palagi."

Maingay. Sobrang ingay. Nagrereklamo. Nagsusungit. Nagbabantay. Samut saring konbersasyon. Samut saring usapan.

Umakyat ako sa office ng alkalde para humingi ng tulong.

"Paumanhin ineng pero wala rito ang Mayor kung gusto mo pumunta ka sa bahay niya. Eto ang address." saka niya inabot sa akin ang isang papel.

"Salamat po."

Sumakay ako ng jeep dala dala ang pag asang makakakuha ng tulong mula sa mayor. Dala - dala ang pag asang gagaling ang inay.

Pinunasan ko muna ang pawis sa noo ko bago tuluyang kumatok sa pintuan sa harap ng malaking bahay ng alkalde.

"Ano yun hija?"

Sinabi ko naman sa katulong ang pakay ko. Matapos niyang sabihin ito sa alkalde mula sa itaas ng bahay pinapasok niya ako at itinuro ang daan papasok sa isang silid.

Kumatok muna ako.

"Pasok." narinig ko ang boses ni mayor mula sa loob.

Pumasok ako.

"I-lock mo ang pinto, hija."

Bigla akong kinabahan sa kakaibang boses ni mayor.

Nakatayo lang ako sa harap ng mesa niya.

"Mayo-"

"Maganda ka." pagkalabas ng mga katagang ito mula sa bibig niyang puno ng bigote ay siya namang pagtindig ng balahibo ko.

Tumayo siya sa kinauupan niya at lumapit sa akin.

Isang mapaglarong ngiti ang gumuhit sa labi niya kasabay ng paghawak niya sa magkabilang pisngi ko.

"Mayor. Wag po!"

"Makinis ka at sariwa." ibinaba niya ang mukha niya sa akin.

Nanginginig ako. Sobra. Nangingilid na ang mga luha sa mga mata ko.

Itinaas niya ang paldang suot ko at hinawakan ang hita ko na pilit ko namang iniiwas sa kanya.

"Mayor. Wag po! Please. Wag po!! Parang awa niyo na."

Inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko.

"WAG!" saka ko siya tinulak.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla niyang hablutin ang buhok ko.

"Aray. Pakawalan niyo na ako. Please po!!! Mayor. Maawa ka po."

"Lintik ka."

Pinahiga niya ako sa mesa habang mahigpit na hawak niya ang magkabilang braso ko.

Iyak lang ako ng iyak. Nanginginig.

Paano ako makakaalpas sa lalaking ito. Diyos ko!

Pumaibabaw siya sa akin.

Agad kong sinipa ang parte ng kataqan niya kung saan siya masasaktan ng sobra.

"Awww. Araaay!!"

Bumangon agad ako at tumakbo palabas ng silid na iyon.

Nasaan ang daan?

Takbo lang ako ng takbo habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko.

Wala na bang matinong tao sa mundo? Wala na bang may puso? Lahat na lang ba masasama?

"Aray!" napaupo ako sa sahig nang mabangga ang isang lalaki.

"What the F?! Hindi kase tumitingin sa dinadaanan." masungit na sabi nito habang sinusuklay ang buhok niya.

"Sorry po!" tumayo agad ako at handa ng humakbang nang bigla niyang hawakan ang braso ko.

"Okay ka lang ba? Anong ginagawa mo rito? Bakit ka uniiyak?!" rinig kong sambit niya mula sa likuran ko.

Inalis ko ang kamay niy at saka ako tumakbong muli.

Habang nasa loob ng jeep hindi ko maiwasang magagawa yun ni mayor. Napakawalang hiya niya. Napaka bastos.

Muli na namang tumulo ang mga luha ko.

Pakiramdam ko unti-unti na akong nawawalan ng pagasa.

Pumunta ako sa bahay ng mga kamag anak namin pero isa lang ang naging sagot nila.

"Anong ginagawa mo rito? Kung uutang ka o hihingi bg tulong wala kang mapapala. Naghihirap din kami. Wala kaming maipapahiram. Kaya umalis ka na. Magtrabaho ka tutal naman maganda ka mapagkakakitaan mo yang mukha at katawan mo. Alis."

Dumaan ako ng simbahan bago bumalik sa ospital. Dalangin na sana makahanap ako ng pera. Dalangin na gagaling ang inay.

Diba pagsubok lang ito? Diba matatapos din ang lahat? Di ba? Ganito talaga ang buhay di ba?

Bumalik ako ng ospital at nadatnan kong walang malay ang inay.

"Hija,kailangang ipasok ang nanay mo sa ICU malubha na ang lagay niya."

"Pero po wala akong--"

Hinawakan ng doctor ang braso ko at ngumiti ng nakakaloko.

Iniwas ko ang tingin ko at inialis ang kamay niya sa braso ko.

"Maghahanap po ako ng paraan pero kahit kailan hindi ko po 'to magagawa." saka ko siya tinalikuran at naglakad palabas.

...

Angel (formerly The F) | A Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon