Three

100 0 0
                                    

Chapter 3

Nasa likod pa rin ako ng kurtinang kanina pa nakaharang sa buong pagkatao ko.

Unti-unting nahawi ang kurtina sa harap ko.

Tanging mga nagsasayaw na ilaw lamang ang nagbibigay liwanag sa madilim na lugar na ito. Pula. Berde. Asul. Dilaw at kung ano ano pa.

Maraming lamesa. Iba't ibang kumpulan ng mga kalalakihan. Naghihiyawan. Nagmumurahan. Nag iinuman.

Magulo. Napakagulo.

Lumingon ako sa kanan ko. Nakita kong nagsasayaw ang isang babaeng suot lamang ang panloob nito. Ganoon rin ang babae sa kaliwa ko.

"Ano ba yan?! Tatayo na lang ba yan diyan!! What the F!!"

"Anong silbi ng ganda niyan! Maghubad ka na hoy! F this F!!"

Sa dulo ng bahay-aliwan na iyon, nakita ko ang babaeng inakala kong mabuti. Pinandilatan niya ako ng mata at bumigkas sa ere ng "Sumayaw ka!!! Maghubad ka! Punyeta!"

Sinimulan kong gumiling habang tumutulo ang mga luha sa mata ko.

Noon sabi ko sa sarili ko, hinding hindi ko ito gagawin. Pero ngayon parang kinain ko lahat ng sinabi ko.

"Maghubad ka na!!"

"Take it off! Take it off!!" sigaw nila ng sabay sabay.

Patuloy lang ako sa pagluha pero patuloy naman ako sa pagsunod sa bawat utos nila.

Tila mga uhaw na leon na nakatingin sa karne ang titig ng mga lalaki sa akin matapos kong hubarin ang suot kong damit.

Labag man sa loob ko na gawin lahat 'to wala naman akong kayang gawin. Wala. Wala.

Ang inosente kong buhay tuluyan ng nagbago

"Yan. Hubarin pa yan!! Hubarin pa yan!"

Unti-unti kong inalis ang panloob ko habang tumutulo ang buti butil ng nga luha mula sa mata ko.

Eto ba talaga ang kapalaran ko? Eto ba talaga ang nakatadhana?

Sa bawat hiyaw nila,sa bawat sigaw. Pakiramdam ko nawala na ang buong pagkatao ko. Pakiramdan ko ipinain ko ang sarili ko sa isang sitwasyong mahirap ng takasan.

Nagpatuloy ang pagsayaw ko suot suot ang tanging pulang sapatos sa paa ko.

Sinalubong ako ng malawak na ngiti ni ate.

"Magaling angel. Napakagaling. Ang dami ng benta ko. Teka. Nakikita ko ba yun??" saka niya tinuro ang isang matangkad na matandang lalaki.

Hindi ko siya sinagot. Natuyaan na ako ng laway para magsalita.

Napunan na ng galit, poot at takot ang puso ko.

"Puntahan mo siya gusto ka niyang itable. Madami yan magbigay. Bilis." saka niya ako tinulak papunta roon.

"Oh. Angel! Come here, sit." saka niya pinagpag ang lap niya para paupuin ako.

Dahil sa takot, ginawa ko naman.

"Will you please. Dance on my lap. C'mon."

"Pero-"

"What the F?! Eto nga trabaho mo di ba?! Punyeta. Gumiling ka!"

Napaluha na naman ako kaya ginawa ko naman.

Ramdam na ramdam ko ang nag iinit niyang binti. Pati ang manhood niya ramdam na ramdam ko ang pagtama sa pwet ko.

Ayoko na!! Ang hirap hirap na.

"Pwede po bang patayin niyo na lang ako."

Ilinapit niya ang bibig niya sa tenga ko.

Angel (formerly The F) | A Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon