A Must Read Epilogue

70 0 2
                                    

Epilogue

"Here's your order ma'am." saka ko ipinatong ang order niyang frap.

"Enj. Last order na yan oh!"

"Oo, Angie. Mag-o-out na ako."

Halos limang buwan na matapos pumunta ng states si Sky. Masaya naman ako dahil binigyan niya ako ng marangal na trabaho at isa pa binigyan niya ako ng isang regalong buong buhay kong mamahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya.

"Alis na ako, Anj."

"Sige. Mag iingat ka ah. At ang baby,alagaan ng mabuti. Haha."

"Oo. Sige. Sige."

Saka ako umalis ng coffee shop at dahil mag-a-alas-singko pa lang ng hapon tumungo muna ako sa isang mall.

Humakbang ako papasok ng dept. store at dumiretso sa baby section.

"Ma'am, mukhang malusog na bata yang dinadala mo ah." puna ng saleslady sa akin habang hinahawakan ko ang isang pares ng pambatang sapatos.

Tinignan ko siya. "Salamat. Pero paano mo naman nasabi?!"

"Ang ganda niyo ho kasing buntis. Sigurado akong ang gwapo rin ang mister niyo." tumawa pa ito matapos magsalita.

"Ahh. Sige.". Sabi ko kasabay ang isang pilit na ngiti.

Humakbang ako palabas ng baby section.

Hanggang sa bigla na lang akong napahinto sa paglalakad. Tila nawalan ng ingay ang buong paligid. Parang naglaho lahat sa paningin ko. Parang napako na lang ang mga mata ko sa isang lalaking ngayo'y naglalakad na papunta sa harap ko.

"Angel, buntis ka?!"

Hindi ko alam kung paano ko sasabihing siya ang ama kung ngayong...

"Who is she honey?!"

Hinawakan niya ako sa braso habang nanggigilid na ang mga luha sa mata ko.

"Ako ba ang ama? Bakit hindi mo agad sinabi?"

Hindi ako makapagsalita. Bumuhos na lang ang luha ko habang pilit na inaalis ang kamay niya sa braso ko.

"Huli na ang lahat, Sky. May asawa ka na."

At saka ako tumakbo paalis ng mall.

Ang pag-ibig napaka-unexpected dumating at napaka-unexpected din kung umalis.

Pero sa kabila ng lahat, natutunan kong hindi FVCK ang F sa likod ng ekspresyong "What the F" kundi isang mas malalim pang salita na nagtatali sa bawat buhay ng tao sa isang sitwasyong hindi mo inaasahan. FEAR! Takot na sumubok, takot na masaktan, takot na magmahal, takot sa lahat na aspeto ng buhay na kung susumahin mga takot na kaya namang puksain at labanan.

Ngayon, napagdaan ko na ang lahat ng takot sa buhay ko. Lahat ng takot na nagturo naman kung paano ko haharapin ang buhay. Sa pagpapatuloy ng gulong ng buhay ko, alam ko na kung paano panghahawakan ang mga takot sa sarili ko.

"What the F!?"

"Aria, could you please stop saying that." malumanay na sabi ko rito.

"Yes, mom. Sorry."

"It's okay. Halika nga dito."

Lumapit naman siya at saka kinarga ko.

"Alam mo ba mom, aalis na si Dani bukas. Pupunta na raw silang states ee."

"Mamimiss mo siya ano? Ang bait bait pa naman ng batang yun."

"Opo." sagot niya after kong i-braid yung buhok niya.

Sa buhay na meron ako ngayon,I could say na masaya na ako. Kontento na ako sa lahat ng bagay na meron ako.

Kahit wala man si Sky sa buhay ko, napunan naman lahat yun ni Aria. Wala na akong hihilingin pa.

-The End

Angel (formerly The F) | A Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon