Message Wall of Room 143. [one shot story]

338 10 6
                                    

Isa daw sa major offences or violations sa school ang vandalism. Pero para sa mga istudyanteng talagang bored at walang magawa sa buhay tulad ko, tinatawag ko itong libangan..

Staci Dela Vega ang name ko. 3rd year college. Course ko? Dentistry. Mahal na mahal ko ang course ko. As in sobraaaa. Pero sadyang may mga subject lang talaga na boring para sa akin. Ewan ko. Baka depende din sa professor na nagtuturo...

Lalo na pag history history na pinag-uusapan.. ay ewan. Halos naman lahat ng subjects ko, dito sa room na to.

Umuupo ako sa pinakasulok ng kwarto pag ganun. Actually, di naman sulok talaga. Basta katabi ko dingding. Itong dingding na ang naging kasa-kasama ko sa room na ito since wala naman talaga akong barkada barkada dito sa school masyado...

Tinawag ko na nga siyang message wall eh. Kasi, pag di ako natutulog, pagsusulat naman sa dingding ang inaatupag ko. Dito ko sinusulat yung mga opinion or mga gusto kong sabihin na di ko masabi..

.. Bakit ba? Eh ang dami namang gumagawa nun ah. May mga cellphone numbers pa nga eh..

Pero isang araw may naka-agaw pansin sa akin sa wall na ito.. Dun sa mismo kong pwesto.. Sa dingding na naging sandalan at tulugan ko... MAY NAKASULAT NA IBA. Naka-sign pen pa, kaya obvious na obvious.. okay ang OA ko. haha.

Kung sino man ang nakaupo sa tabi ng dingding na 'to, liligawan ko. -- KL

Nagulat naman ako kasi ako yung nakaupo dun eh. Pero hinayaan ko lang. Paniguradong trip lang yan. Pero maya-maya ko tinitingnan yung initials...

KL... sino ba ang may initial na KL? Paniguradong  surname yung L.

.. Bakit ba ako nag-iisip masyado tungkol dun sa nakasulat?? At kung sino yung nagsulat. Makatulog na nga lang. Pero di naman ako nakatulog.. Di ko na talaga matiis. Kumuha ako ng pencil. Para di halata yung sulat ko..

err?? Mr. KL? Ako yung nakaupo dito. pero pwedeng wag ka gumamit ng Sign pen? Tska pakiliitan yung sulat naman. Baka ako pagkamalan na nagsulat nyan eh. 

Nag-ring na yung bell. Sa wakas! Makaalis na nga muna. May subject ako sa kabilang room, pero after nito, dito ulit kami sa room 143..

May ibang gagamit ng favorite room ko. Hmm. Pero sa paglabas ko, may bumangga sakin.. Nalaglag tuloy yung mga libro ko.. Pinulot ko yung mga libro, tsaka ko tinignan yung nakabangga sakin.

Isang lalaking matangkad. Mestizo, ang ganda ng labi, mata.. in short, gwapo.. Pero, ang angas, bwesit. Tiningnan lang ako, tapos nakipag-appearan pa sa mga tropa niya. Bastos.

Pumunta na ako sa kabilang room. 3:30 na. uwian na. Sumilip ako sa bintana ng Rm.143, wala ng tao. Pumasok ako. Chineck ko yung message wall. May nakasulat. Pero naka-pencil na din.

Hey Staci. Ok na ba to? Sorry nga pala ha.

Nagreply agad ako... 

For what? Tska, paano mo nalaman name ko?

Umalis na ako at umuwi...

Simula nung araw na yun, patuloy ang conversation namin nitong Mr.KL sa message wall. Naging ka-close ko siya kahit di pa kami nagkikita, pero sa message wall, oo. Sa tingin ko, ang bait ng lalaking to.

Nakwento na rin niya yung lovelife niya. Sabi niya, may gusto daw siyang girl, mataray daw. At tuwing nakakasalubong niya ito, iniisnob daw siya.

Naaalala pa daw niya nung una silang magkakilala nung mga bata pa sila.. Binato pa nga daw siya ng sapatos. Tapos tumakbo na daw yung batang babae nun. Pero di na sila nagkita after nun..

Message Wall of Room 143. [one shot story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon