Chapter 49
Kylie's POV
Tahimik lang kami buong byahe. Wala ni isang naglakas loob na magsalita. Miski ako hindi nakapagsalita. Wala akong mailabas na salita mula sa mga labi ko. Kahit pilitin kong magsalita ay walang lumalabas. Tila napipi ako ng mga oras na 'to. Dahil pakiramdam ko hindi niya ako pakikinggan. Natatakot ako. Natatakot ako na baka bumalik nanaman siya sa dati. Ayoko na.
Lumipas ang mga sandali, hanggang sa nandito na kami sa tapat ng apartment, wala pa ring umiimik sa'min. Tumingin ako sakanya at tinitigan siya. Nakatuon ang tingin niya sa labas ng bintana.
Hindi pa rin ako bumababa ng kotse. Gusto kong mag sorry sakanya. Madami pa akong gustong sabihin sakanya na hindi ko masabi.
Nakita kong tinaggal niya yung seatbelt niya tsaka lumabas para pagbuksan ako ng pintuan ng kotse. Ayokong bumaba, ayokong umalis. Nakatingin pa din ako sakanya habang siya nakaiwas ng tingin sa'kin. Sana masabi ko lahat ng nasa isip ko ngayon sakanya.
"Pinagbuksan na nga kita, ayaw mo pa din bumaba. Ano pa bang gusto mo? Buhatin ka?" walang emosyon nyang sabi. Dahan-dahan akong bumaba mula sa kotse niya. Tinitigan ko yung malungkot nyang mga mata. Gusto ko syang yakapin.
"Sige na, pumasok ka na." Hindi siya nakatingin sa'kin habang sinasabi yun. At dahil doon, dun na ako naglakas-loob na magsalita.
"Kieran.." umpisa ko. Hindi man siya nakatingin sa'kin, alam kong hinihintay niya ang bawat salitang lalabas sa labi ko. "Alam kong sawang-sawa ka na marinig ang sorry ko. Paulit-ulit lang naman kasi hindi ba?" Halata na garalgal na ang tinig ko, pumikit muna ako at huminga ng malalim bago magpatuloy ulit. "Pero kailangan ko ulit sabihin yun. Alam ko naman na mahirap akong patawarin dahil sobra na ang ginawa ko sa'yo. Sorry dahil nasaktan kita." At doon na nag simulang tumulo ang aking mga luha. "I'm not asking for your forgiveness. Ayos lang sa'kin kung hindi mo ako mapatawad. Kasalanan ko 'to, kaya dapat ko 'tong pagdusahan." Pinahid ko ang luha sa aking mga pisngi. "I'm sorry. I'm really really sorry."
"It's okay. Goodnight." walang emosyong sabi niya sabay sakay sa kotse niya. Kasabay ng pag-alis ng kotse niya. Mas lalong lumakas yung pagbuhos ng mga luha galing sa mga mata ko.
"Mahal kita, Kieran. Mahal na mahal.."
Kinabukasan...
When I woke up awhile ago sobrang sakit ng ulo ko. Nakatulog na siguro ako kagabi kakaiyak at ang bigat bigat ng mata ko. Mugto siya ng tignan ko sa salamin. Mukha na nga akong panda dahil sobrang mugto ng mga mata ko kakaiyak.
"Kieran.." mahina kong sambit.
"Girl! Eto yung tubig saka gamot, para sa sakit ng ulo mo." sabi ni Lays at saka isinara ang pinto ng kwarto ko. Ipinatong niya yun sa table at umupo sa kama ko. Lumapit ako dito at ginaya siya. "Salamat." walang gana kong sabi.
"What happen to your life na? Hindi pa nga kayo nagsisimula't lahat, nasa awayan stage na kayo agad." sabi niya at inabot sa'kin yung isang basong tubig at gamot. Kinuha ko yun at ininom. Sinabi ko sakanya yung nangyari sa'min ni Kieran kahapon.
Hindi ako nagsalita at hinintay syang ipagpatuloy yung sasabihin niya.
"Alam mo minsan lang mag mahal si Kieran. Maswerte ka dahil isa ka sa mga minahal niya. Hindi mo lang alam kung gaano kabaliw ang kumag na yun sa'yo!" umayos siya ng upo at saka humarap sa'kin.
"Close kami ni Kieran. At parang kapatid ko na din yun. Madalas ako ang nilalapitan niya pag may problema siya. At alam mo ba? Sa tuwing magkikita kami, ikaw ang bukang bibig niya! Nakakasawa na nga eh. At kapag nagkukuwento siya tungkol sa'yo? Ang saya-saya niya. Kahit mukha na syang batang baliw na ewan." napangiti ako dahil dun.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With An Idiot (Major Editing)
Novela JuvenilYou're weird, obnoxious, crazy and a complete idiot. but you know what? I still love you. Kieran and Kylie's story. ❤