“ANAAAAK ! BUMILI KA NG SIBUYAS” bungad sakin ng aking magulang , kakabangon ko pa lang sa aking mahabang tulog ng isang utos nanaman ang bumungad sa aking umaga. Hindi pa nakakapag mumuog, hindi pa nakakapaghilamos ngunit taas noo akong lumabas ng bahay ng may tuyong laway at muta na nagpipista sa aking mukha.
Habang naglalakad papunta sa tindahan ni aling lita, pilit ko ring tinatanggal ang namuong laway sa gilid ng aking mga bibig, baboy man tignan pero eto na ang aking kinasanayan. Ngunit napukaw ang atensyon ko ng Makita ang aking kaibigan na si maria kasama ang kanyang kasintahan. Masayang Masaya silang nagtatawanan habang bumibili sa kabilang tindahan.
Naaalala ko pa noon ng Masaya kaming naglalaro ng lupa ni Maria, magkasing-edad kami, Hindi uso samin ang Barbie doll, para saan pa? para may kakain ng inihanda naming pagkain na gawa sa dahon at lupa? Halos galit na galit din sa amin ang aming kapitbahay na si lola korita dahil lagi naming binubungkal ang mga lupa sa harap ng kanilang bahay. Lagi kaming magkasama kaya nasusubaybayan din namin ang agos ng aming mga buhay.
Ngunit, pagdating namin ng labintatlong taon, parang isang malaking pader ang nagpahiwalay sa amin. Parang kanina lang Masaya pa kaming naglalaro ng lupa pero ngayon parang lumalayo na ang loob nya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang problema pero siguro nga nagmamatured na ang kanyang pag iisip kaya kinalimutan na nya ang panahong Masaya pa kaming naglalaro ng lupa.
Nagiging pala-ayos narin si maria, halos makukulay at matitingkad na damit na rin ang kanyang sinusuot, ibang iba sa suot nya noon, punong puno narin ng kolorete ang kanyang katawan, halos malaglag na ang kanyang tenga sa laki ng kanyang hikaw , Blooming narin pala ang gaga, oo nga pala may kasintahan na nga pala sya, ganun ba talaga kapag may boyfriend/girlfriend na ? Bigla nalang silang nagbabago?
“OHH BATA, ETO NA YUNG BINIBILI MONG SIBUYAS” Kaloka akala ko tinangay na ako ng aking imahinasyon papuntang bahay, yun pala nandito parin ako sa tindahan. Habang bitbit ang tatlong sibuyas, nagtama ang tingin namin ni maria, nginitian ko sya, pero parang wala syang nakita at tuloy tuloy na nakipagharutan sa kanyang kasintahan. Maisnab naman , akala mo hindi naglaro ng lupa noong kabataan nya.
Talaga nga bang nagmatured na ang pagiisip ng aking kaibigang si maria, o eto pag ibig nga talaga ang nakapag pabago sa kanya ?