ANG BOYFRIEND KONG FANBOY

1.9K 39 12
                                    

One shot story po. Para sa mga Fangirls jan! Hahaha. Annyeong ^_^

---------

“Yes! At long last!” Omg. Ang saya saya ko. After the long wait, mabibili ko na rin yung gusto ko. Haaay. Magsisimula nanaman akong mag-ipon. Pero keribells, kakayanin ko to para sa mga Oppa ko ^_^ Papunta  na ako sa KShop. Mga Merchandise ang nandito. Siyempre tungkol sa mga K Idols and other stuffs related sa Korea.

Halos isang taon na akong Fangirl. Spazz ng spazz tungkol sa UB group ko. Ang EXO. First love ko sakanila, si Chanyeol. Pero ngayon, ang UB ko talaga is si Kris. Lahat naman sila love ko eh. Siyempre. Para san pa at naging EXO-L ako kung si Kris lang ang pagtutuunan ko ng pansin. Diba?

OmO Papasok na ako sa KShop. OMGGGG. Kinikilig talaga ako like super! Marami-rami na tong ipon ko. Sapat na pambili nung mga matagal ko nang pinag-iipunan. Pero ang pinakagusto ko talagang bilhin eh yun Sparkling magazine na siyampre, sila halos lahat ang laman nun. Kyaaaaah >///< Malapit na… Malapit na… Hahablutin ko na lang… Got—O.O

“Hey! Pwede pong pakibitawan? Ako nauna niyan eh!” Reklamo ko dun sa lalaking humablot SAKIN nung Magazine KO.

“Sorry miss pero ako ang nakakuha eh, pasensya ka na” Sambit sakin nung lalaking matangkad. Aish. Di to pwede! Ilang buwan ko tong pinag-ipunan!

“Mawalang galang na pero di ka naman talaga kagalang-galang, AKO ang NAUNA. Hinablot mo lang yan SAKIN. Hindi ba’t parang ang bastos nun ginawa MO? Una sa lahat at hindi sa huli. LALAKI KA. Kaya dapat pagbigyan MO AKO.” Pinagdidiinan ko talaga yang mga words na yan. Nakakaasar lang. Kainis!

“Teka nga. Bakit ka ba nakikipagtalo sakin, ha? Eh pwede naman iba yung bilhin mo ah! May 2 pang copy! Kung maka-asta ka naman akala mo kung sino ka” Sabi niya saakin na halatang naaasar na rin. OmO. Baka masyado niyang dinamdam yung mga sinabi ko. Hala >O< Ang tanga ko naman! Akala ko kasi talaga nag-iisa na lang yan. Kakahiya! >O<

“May problema po ba tayo?” Sabay lapit saamin nung mamang guard. HALA! Baka di na nila ako dtto papasukin kahit kelan! OmO OmO OMG OMG OMG T_______T

“Ahh.. Uhm.. W-wala p-p-po! Wala naman. Hehe” Jusko. Ano ba tong ginawa kong gulo?! T___T

“Ah sige po.” Sagot nung guard. Whew! Madali lang naman pala siyang mauto este maniwala! Wahahaha

“Psh. Pasalamat ka Miss at di ako nagreklamo” Sabi nung guy na nanghablot nung magazine KO. Wow ha. Siya pa tong may ganang magsungit at mag Poker Face -_-

“Wow. So ako pa talaga dapat magpasalamat sayo? Wow ha! Jan ka na nga” Sabay walk out at siyempre para may drama, ni-flip ko yung pretty kong hair. Oha. Walang kokontra. At bago yun, kinuha ko muna yung isa pang copy nung Magazine. Hmp. Buti na lang may isa pang extra dahil kung hindi, nakuuu. Di lang ata yun ang mangyayari, Mas malala pa!

Pakatapos ko yun makuha, dumiretso ako sa may mga posters, lanyards, ballers at shirts section. Siyempre. Susulitin ko na ^____^

**

Pauwi na ako. Pasakay na ako ng jeep ng mahagip ko yung lalaki na naka-eskandalo ko kanina. Mukhang badtrip. Wahaha. Buti nga sakanya. Ang sama ng tingin niya. Nakakatakot. Hawak hawak niya rin yung magazine na binili niya. Hmp. Bahala nga siya. Sasakay na nga ako ng makauwi na ako at nang Makita ko na ang mga asawa ko *U*

ANG BOYFRIEND KONG FANBOYWhere stories live. Discover now