Sinubukan ko...
Nakakagago pero sinubukan ko
Sinubukan kong hawakan ka ng hindi nasasakal, ng hindi nasasaktan
dahil mahal na mahal kita kahit hindi ko na kaya pero sinubukan ko.
Sinubukan ko parin dahil sa'yo, Para lang sayo.
Makailang beses kong sinubukan ang mga bagay na napakahirap makuha
Ilang beses akong sumubok
At sa ilang beses na iyon, tanging isa lang ang naging dahilan ko...
Ikaw
Ikaw ang dahilan kung bakit ako malakas,
kung bakit pilit kong kinakaya
kahit may mga araw na parang ayoko na,
na parang gusto ko nalang isuko ang lahat
pero dahil sayo mas pinili kong magpakatatag para sa ating dalawa
dahil binuo mo ang nagkulang kong puso,
Yung puso kong tumitibok pa pero naghihingalo na
Dahil ikawikaw ang naging hanging ko
Sa mga panahong hindi ko na kayang huminga pa
Ikaw
Ikaw na hindi ako iniwan,
Ikaw na dahilan kung bakit hindi ko magawang lumisan
Ikaw na natili sa tabi ko,
Akong pinipilit manatili para sa'yo
Pinilit ko...
Pinilit kong ngumiti sa harap mo at ipakita sa'yo na malakas ako
Dahil ikaw mismo ang syang lakas ko,
Ang kasiyahan ko
And buhay ko
Ang mahal ko,
Mahal na mahal ko
"Panu kung mawala ako?" Inosente mong tanong habang nakatingin sa malayo
"Ba't saan ka pupunta?" Tanong ko. Tumingin ka sa akin ng masama "Oh bakit?" Natatawang tanong ko
"Umayos ka nga!" Naiinis mong sabi. Wala akong ideya kung bakit ka naiis sa akin
"Maayos naman ako ah!"
"Maayos ka dyan, para ka kayang sira!" Sabi mo at tinalikuran ako. Pilit kitang kinakalabit at pilit ko rin kinukuha ang atensyon mo pero hindi mo ako kinausap.
Nag tampo ka nanaman
Lumapit ako sa iyo at niyakap ka mula sa likod mo
"Hahanapin kita" Sabi ko. At tumitig sa maamo mong mukha.
Hanggang ngayun hindi ko parin magawang maniwala na napasaakin ka. Sa sobrang daming lalaki na pilit kang inaabot ako itong gago at hinayaan mong makakuha sa'yo
Inirapan mo ako. Napangiti ako
"Hahanapin kita hangang sa makita ulit kita"
"Panu kung hindi mo na ako mahanap?"
"Edi mawawala na rin ako." Sabi ko, tinignan mo ako na para akong isang tanga
"Tch ako nga yung mawawala eh" Pagmamaktol mo, nakasimangot na para bang nainiis sa naging sagot ko. Pero kahit nakabusangot ang mukha mo nagagawa mo parin maging maganda sa paningin ko
BINABASA MO ANG
Ikaw At Ang Mga Dahilan
PoesieIkaw at ang mga dahilan kung bakit kita mahal... s t o r y | p o e t r y