Humiling ako...
Oo humiling ako...
Nakakatawa pero humiling ako,
Humiling ako ng paulit ulit sa puntong hindi ko na magawang mabilang pa
Halos magmukhang na akong tanga habang nakatingin sa kawalan
Umaasa na sa paglipas ng oras may isang ikaw na dadating,
Na hahawak ulit sa kamay ko hanggang sa mangalay tayo.
Umaasa ako sa kalokohan na'yon
kahit alam kong wala ni isang ulan ang papatak
para makita mo kung paano dahang dahang pumatak
ang mga luha sa mga mata ko
Paulit ulit...
Paulit ulit na halos magkauta-utal na habang binibigkas ang mga salitang
Okay lang ako, na kaya ko pa, na kakayanin ko
Dahil patuloy akong naniniwala na balang araw
kahit walang kasiguraduhan na matutupad ang mga kahilingan
na hindi mo iiwan ang katulad ko dahil umaasa parin ako
sa sinabi mong mananatili ka lang sa tabi ko
dahil pareho nating mahal ang isat-isa.
Humiling ako dahil sa'yo, humihiling parin ako
"Bakit ngayun ka lang?" Sabi ko sa gilid ng tenga ko. Naramdaman kong pinatong mo ang ulo mo sa balikat ko, napangiti ako
"Sorry kung natagalan ako" Sabi ko bago Iminulat ang aking mga mata at tumingin sa'yo "Traffic eh" Sabi ko habang nakatitig sa maamo mong mukha.
Ilang sandali ang lumipas at tahimik ka lang habang nakatingin sa malayo
"Miss na miss na kita" Malumanay mong sabi na para bang nagtatampo kaya hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti dahil para nanaman may humahaplos sa puso ko tuwing nagsasabi ka ng matatamis na salita
"Miss na miss na din kita" Sabi ko habang nakatitigparin sayo kahit na nakatuo ang mga mata mo sa kung saan.
Nakita kong umamba ang mga labi mo at napangiti subalit kalaunan ay napalitan din agad at lumungkot
"Galit ka ba sa akin?" Tanong mo bago tumingin sa mga mata ko. Umiling ako at ngumiti ng malumanay.
Seryoso kang nakatingin sa mga mata ko na para bang kinakabisado mo ang bawat detalye ng mukha ko
"Sorry ah Sabi mo Sorry kung nasaktan kita"
Hindi ko nagawang makapag salita dahil sa lungkot sa mga mata mo. Tahimik lang akong nakatingin sayo at pinapanood ang mga pag galaw ng labi.
"Hindi mo naman sinasadya eh. Alam ko" Sabi ko sayo pero umiling ka
"Pero nasaktan kita, naging malungkot ka ng dahil sa akin"
"Tapus nayon. Okay na ako dahil nandito ka na ulit sa tabi. Masaya na ako dahil binalikan mo ako" Sabi ko at hinaplos ang pisngi mo
"Pero sorry parin" Pagpapaumanhin mo, ngumiti nalang ako sa'yo
"Okay lang" Sabi ko at dahan dahan na kinuha ang kamay mo. Tahimik ang pagitan natin habang pinapakiramdaman ang isat-isa. Wala akong narinig kundi ang mga pag galaw ng mga puno tuwing dumaan ang hangin, pati narin ang pagkanta ng mga ibon.
BINABASA MO ANG
Ikaw At Ang Mga Dahilan
PoesíaIkaw at ang mga dahilan kung bakit kita mahal... s t o r y | p o e t r y