Kabanata 3

65 1 0
                                    

Kabanata 3

August

Hapon na at narito ako sa field because Zoe texted me na hintayin siya dito at may ipapakilala raw siya sa akin, tutal maya-maya pa naman magsisismula ang klase ay pumayag ako, limang minuto ang nakalipas at naaninag ko na siya kasama ang hindi ko kakilalang lalaki, familiar but not quite. Habang palapit sila nang palapit ay mas lalong lumilinaw ang itsura nila at nakilala ko na ang kasama niya! A boy next to Zoe is none other than August. Halos mapatakbo ako palayo habang tinititigan siya na nakatingin rin sa akin at parang sinusuri niya kung sino ako.

August Rein Ong, he is the only cousin of Zoe. I met him twice. Very arrogant and very self-asserting, that's my first impression on him, nung makita ko siya na parang walang pakielam sa mga babaeng taga hanga niya na dinudumog siya habang naglalakad sa corridor sa isang building sa school, second year ako. Maybe because he is so mainstream na kulang nalang ay sambahin siya ng mga tao sa paligid niya. I didn't even want to know his name because I really hate those kind of person, I think he's just taking the efforts of people around him for granted. Ang oa pakinggan pero ayoko talaga sa mga ganoong tao, yung tipong kahit na mukha palang nila yung nakikita mo naiinis kana.

Nalaman ko kay Zoe na ako daw ang pinaka ayaw niyang makilala nang maikwento sakanya ng mga kaibigan namin ang first impression ko sakanya. Mga traydor! Pinakilig lang ng onti, nilalag na ako! by the way, duh. as if namang gusto ko siyang makilala diba. Kaya ayun, nang magkaroon ng party ang pamilya nila ni Zoe at imbitado kaming mga kaibigan niya, naglilibot libot ako no'n sa buong place para hanapin sana sila Zoe but then, that man blocked my way and he actually made me look like an idiot dahil ginawa lang naman niya akong waitress sa party na iyon, he even gave me his commands na kesyo kunin ko raw ang mga nagamit na baso ng mga guest at hugasan raw iyon agad-agad. My gosh, kung hindi lang namin kaharap ang mga magulang niya at kung hindi lang kami ang halos center of attraction ng mga tao sa party ay baka nasupalpal ko na siya gamit yung tray na siya mismo ang nagbigay sa akin. Tinalikuran ko siya bitbit ang isang tray na ang nasa ibabaw ay may tatlong gamit na baso, pinagtitinginan ako ng mga tao lalo na yung mga nakarinig sakanya at nakakakilala sa akin na mga schoolmates namin. Alam mo yung feeling na gusto mo nalang yumuko para matakpan yung mukha mo at para hindi ka mapahiya sa mga nakakakita sayo. Nilapag ko ang mga baso sa isang table malayo sa mga tao at tinext ko si Zoe na umuwi na ako dahil hindi maayos ang pakiramdam ko.

That night, halos isumpa ko si August, I hate him so much that I don't want to see him again nor talk to him again. Yes, I know na nakarating sakanya ang naging first impression ko, pero hindi niya ako kailangang ipahiya pa sa harap ng maraming tao. Wala siyang karapatan. Sobrang.Wala.

Sa mga nagdaang araw ay hindi naging normal ang buhay ko, naubos muna siguro ang dalawang linggo bago humupa ang mga tsismis tungkol sa nangyari sa party nila Zoe. Nagpasalamat naman ako at hindi na siya muli pang nagpakita sa akin. Nalaman ko kay Zoe na lumipat siya sa China para doon makapag aral at makapag training na rin dahil siya ang hahawak sa kompanya nila. Zoe apologized for what happened at hindi ko iyon tinanggap. Ayokong tumanggap ng isang paumanhin sa isang taong hindi naman gumawa ng kasalanan sa akin. May bibig siya at dapat siya ang mag sorry dahil siya ang may kasalanan.

Nagising ako sa katotohanan nang bumeso sa akin si Zoe. While at her back, naroon si August na titig na titig sa akin. Hindi ko mapagkakailang pogi siya, sobra. Noon pa man, ang dami ng baliw sa kanya dahil kahit na mukha siyang nerd because of his braces and reading glasses hindi pa rin maalis ang napaka lakas niyang dating. He is very tall and massive lalo na ngayon, dalawang taon ko siyang hindi nakita, may social media accounts naman siya pero I unfollowed him. Natural na natural pa din ang pamumula ng kanyang mga labi at ang pagbagsak ng itim niyang buhok which reminds me of someone.

Mabilis ko siyang pinasadahang muli ng tingin, mula ulo hanggang paa, habang siya naman ay abala sa pagtitig sa akin ng wagas na halos tumagos sa dugo ko ang mga ito. What the hell? Bakit ako nanlalamig? Bakit pakiramdam ko ay hindi siya si August? Sobrang lamig ng mga titig niya sa akin at sa sobrang lamig nito ay napapaso ako kaya't kinausap ko na lamang si Zoe.

"Malapit nang mag start ang klase natin bes." sambit ko nang makaharap kay Zoe at habang nararamdaman ko pa rin ang mga titig niya.

"Ay ganun ba, anyway, this is August." sabay lingon sa pinsang nasa likod niya.

Nilingon ko siya at binalik kong muli ang tingin ko kay Zoe.

"Dito na ulit siya sa Philippines titira, and he will be studying here at our school, fifth year." alam kong nag aalinlangan si Zoe sa mga sinasabi niya dahil sa tensyong pumapagitna sa aming dalawa ni August.

"Ah good for him." But very bad for me. sagot ko na parang pakiramdam ko ay lumulutang ako. I looked at him once, at parang ayoko nang ulitin pa iyon.

"So, August.. okay na? " tanong ni Zoe sa pinsan niya na nakatitig pa rin sa akin. Hindi ko naintindihan ang tinatanong niya sa kanyang pinsan kaya nilingon ko si August na may halong pagtataka.

"Yes." tipid nitong sagot. Bago pa man siya magsalita pa ay inunahan ko na siya. Tutal wala naman akong napalang sagot.

"Zoe, I think we really need to go. Kaye texted me, nandun na daw si Ms. Tolentino." Sabi ko kahit wala naman talaga akong na re-receive na kahit ano mula sa kahit na sino. Naiinis na ako and I don't even know why, gusto ko lang talagang makawala sa mga titig ni August na unti unting gumugunaw sa mga hinanakit ko sakanya.

Bakit?

Crush ko si August?

Of course, No.

Wth.

Let's Not Fall In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon