500 words para kay CRUSH

62 0 0
                                    

Nung mga panahon na wala akong inspirasyon, nung mga panahon na hindi pa kita kilala, sobrang lungkot ng buhay ko.

Akala ko nung una, wala akong makikita, wala akong magiging inspirasyon tapos nakita kita.

Mundo ko'y lumiwanag, nagsikantahan ang mga ibon, Lumabas ang bahaghari at Sumaya ang paligid.

Yung oras na lagi kitang nakakasama dahil STEP ka. Yung oras na kapag may orientation lagi kitang kasama.

Ang masaklap lang don kahit araw-araw mo akong nakikita, hindi mo parin ako kilala. Hindi ko alam kung bakit pero nagseselos ako kapag may kasama kang iba.

Alam kong wala akong karapatan pero mahal na ata kita.
Hindi pa kita lubusan na kilala pero sobrang hinahangaan na kita.

Matalino ka, gwapo at mukhang may mararating sa buhay.
Sana ako rin kaso mukhang malapit na akong mamatay.
Ang hirap ng buhay kapag STEP student ka.
Salamat CRUSH kasi inspirasyon kita.

Isang tingin mo lang ay pwede nako mamatay.
Ikaw na ata pinakagwapong nilalang na nabubuhay.
Kaso balita ko may ka-MU ka na.
Mundo biglang napariwara.

Dumilim, umitim at nawalan ng buhay.
Alam kong wala akong karapatan pero gusto ko siyang mamatay.
Di naman ako nage-effort na mapansin mo,
Pero sana kahit konti lang ay ma-notice mo ako.

Kahit may iba akong crush,
ikaw parin ang gusto ko.
Kinikilig ako sakanila pero mas kinikilig ako sayo.

Kaninang uwian nakita kita.
Di mo sya kasama.
Kinilig ako nang masilayan kita.
Sinundan pa nga kita.

Sinundan kita hanggang kanto
Kaso masyado kaming mabagal ng kasama ko
Pero atleast nakita
at nalaman ko pa kung saan ka nakatira

Malapit na sportsfest, ano kaya sport mo?
Kasi kung maglalaro ka, number one supporter mo ako.
Ay naalala ko taken kana,
Okay lang kasi masaya akong umaasa.

Wag mong isipin na pinapaasa mo ako
Ako naman yung may gusto
Alam ko naman na wala akong pag-asa
Pero umaasa parin ako.

Nagkaron ako ng ibang crush at naging MU kami.
Pero kahit anong pilit ko, ikaw parin.
Nagaaway kami kasi nagseselos siya.
Anong magagawa ko eh pogi ka.

Mas kinikilig ako sayo kesa sakanya.
Kahit sabihin niyang mahal na mahal niya ako, ikaw parin hinahanap-hanap ko.

Feeling ko mas gugustuhin ko pang mabuhay ng malungkot basta nakikita kitang masaya kesa piliin ang nagmamahal sakin na kayang ibigay ang pagmamahal na hinihingi ko.

Ikaw nalang nga ang hinihiling ko tapos hindi pa kita makukuha.
Ano nga ba laban ko sa crush mo?
Maganda sya, matalino at maputi. Nasa kanya na nga ata lahat ng hinahanap mo eh.

Minsan masaya ako para sainyo pero madalas ang ayaw kong makita kayo.
Ikaw lang naman kasi sapat na.
Bakit kailangan kasama pa siya?

Lahat ng pake ko nasayo na.
Wala na nga akong pake kung may nasasaktan akong iba.
Basta mapasaya lang kita.

Pero lahat ng ginagawa ko, hindi mo na-appreciate.
Well, wala naman akong ginawa para mapansin mo ako haha.
Kung magkakaroon man ako ng chance sayo, gagawin ko lahat para hindi na tayo magkakalayo, paa lang sayo.

Mga Salita para sa mga TaoWhere stories live. Discover now