Isang Relasyon, Dalawang Tao

41 2 0
                                    

Ang isang relasyon ay binubuo ng dalawa,
Dalawang tao na totoong mahal ang isa't isa,
Walang pwedeng humadlang sa inyong pagsasama,
Walang pwedeng gumitna sa inyong dalawa.

Bawat desisyon ay pinag uusapan,
Bawat problema sabay sinosolusyunan,
Sabay ngumingiti sa mga kaligayahan,
Magkasama umiyak sa lungkot na pinagdadaanan.

Karamay ang isa't isa sa mga tagumpay,
Kahit mabigo, nandyan at magkaagapay,
Isisigaw sa mundo ang inyong pagmamahalan,
Isisigaw sa mundo na walang iwanan.

Ang isang relasyon ay binubuo ng dalawa,
Dalawang tao na totoo sa isa't isa,
Hindi ng isang walang pakialam at isang umaasa,
Hindi ng isang nakikinabang at isang nagpapakatanga.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon