Noon, masaya tayong magkasama,
Kung may problema, karamay ang isa't isa,
Hawak mo ang kamay ko sa kalungkutan,
Pangakong pang habang buhay ang iyong binitawan.Sa kasalukuyan, natapos lahat ng pangako,
Lahat ng panaginip at pangarap ay napako,
Umalis sa aking tabi dahil mas mahal mo siya,
Kahit ginawa pa ang lahat at pinaglaban ka.Sa hinaharap, alam ko masasanay din ako,
Mabubuhay ng wala ka, hindi na aasa sa'yo,
Mabubuo ang nabasag at nadurog na damdamin,
Tuloy lang ang buhay, sarili ay mas mamahalin.Hindi na maibabalik ang mga pagkakamali noon,
Hindi man nagawan ng paraan ang kasalukuyang iyong itinapon,
Hindi pa rin malinaw ang hinaharap na naghihintay,
Kailangang maging handa at puso'y gawing matibay.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoésieAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...