100 Dahilan

8 2 0
                                    


100 Dahilan

Ni:DoYouHearMeee29


Kung ang pelikula
Ay may 100 tula para kay Stella
Ako naman ay may 100 dahilan
Kung ba't ka bumitiw sa ating pagmamahalan
Narito na't aking sisimulan
Sisimulan ang pagtulang di mo aasahan...

100 dahilan ang kailangan ko
Nang sa gayon ang puso'y matuto
100 dahilan kung ba't mo niloko
Nanghihingi ako ng kasagutan at nagsusumamo;
Bakit ang pagmamahal mo'y biglang nabago
Bakit bigla ka nalang nag-iba?
Bakit ang mahal mo ngayon ay siya?

100 dahilan lang ang tanging hiling
Nang sa ganyon ay ang nararamdama'y agad aalisin
100 lang naman,100 daan lang
Nang ang mga mata'y mamulat at maging ng kaisipan
Hinggil sa hinihinging katotohanan

Pakiusap wag kang magsinungaling
Ang pagmamahal mo ba sa'kin;
Biglang naglaho at inihip na ng malakas na hangin?
Di ko naman nais guluhin ka
Ang gusto ko lang nama'y umamin kang "TAYO" ay wala na

Minahal kita
Isang pagmamahal na umabot sa puntong ako'y mababaliw na
Isang daan,isang daan lang
Mahal ako sana'y iyong pakinggan
Pakinggan mo ang puso kong humingi ng 100 dahilan;
At ng mahanap ko narin ang 100 kong kasagutan
Hinggil sa iyong paglisan

Kahit ako'y nagugulumihanan tungkol sa'king nararamdaman ngayon ngayon lang

Isang daan,isang daang dahilan lang....

My Creation-[On GOING] (Unedited)Where stories live. Discover now