*Walong Buwan*
Ni:DoYouHearMeee29Sa walong buwang pagmulat ng dalawang pares ng mata
Dalawang bulto ng tao ang nakikita
Isang babaeng nakasuot ng damit na kameseta
At isang lalaking madungis ang mukha
Di mapapantayan ang labis na galak at tuwa nila
Dahil sa wakas nagkaroon na sila ng buong pamilyaHawak ng aking maliit na daliri ang kanyang kamay
Habang ang mga braso ng aking ina'y sakin ay nakaagapay
Na nagsisilbing gabay
Gabay sa tatahakin kong magandang buhay
Kay ganda lang nilang pagmasdan
Tila hindi matutumbasan ang kanilang saya ninumanNi ayaw akong padapuan ng lamok;
Ni ang umiyak ako ng konti'y ayaw ipahintulot;
Ni ayaw nilang ipakita sa kanilang mga mata ang lungkot;
Dulot ng labis na pag-aalala at takotNakalagay sa isang maliit na kama
Nakatusok ang maraming karayom at dama;
Dama kong sa mga oras na ito'y ang aking ina't ama'y nag-aalala
Napakasakit isiping sa loob ng walong buwan may tyansang ako'y papanaw na
Iiwan ang pinakamamahal na ama't ina
Di lubos maisip na ang kagyat na saya'y unti-unting mawawala
Unti-unting mawawala at mababalutan ng sakit at pagdurusaGusto kong mabuhay na kasama sila
Gusto ko pang makita sila hanggang sa pagtanda
Gusto ko pang maranasan kung paano gabayan
Gusto ko pang maranasan kung paano pumasok sa paaralan
Gusto ko pa..Gusto ko pang mangulubot ang aking mukha
Gusto ko pang makita ang mundong kay gandaSa loob ng walong buwan ay wala akong kaalam-alam
Sa kung paano ako alagaan ng aking mga magulang
Kaya gusto ko pa
Gusto ko pang mabuhay kasama ang ina at iba pang kabata
Kaya lalaban ako,hindi ako papatalo sa sakit na ito
Panginoon ko bata pa ako kaya pakiusap pahintulutan ninyong mabuhay pa ako rito sa mundo
O aking panginoon ako sana'y iyong diringgin
Nang sa gayon ang saya sa mukha ng aking mga magulang ay di ko na aalisin
Panginoon pakiusap dingin mo ang aking mga hiling
PAKIUSAP...
************
Charoooot!!Here's my 7th piece,hope you enjoy!! ^_^
YOU ARE READING
My Creation-[On GOING] (Unedited)
PoetryMy creation is all about EVERTHING..This is a spoken poetry,short story etc.. #752- Spoken