My Bestfriend and I

14 0 0
                                    

                                        

Ilan nga ba ang crush mo sa isang araw? Ako kasi, iisa lang. Oo, ikaw lang. Pero alam mo nakakasakit kana. Sa tuwing kayo yung magkasama at kung tayo naman ang magkasama. Sya pa rin, nakakasawa ng dinggin. Kahit gusto ko mang isigaw dyan sa tenga mo na, nakakasakit kana, di pa rin pwede. Bakit? Kasi ayokong mawala kung anong meron satin. Simpleng 'I Love You' pero 'FRIENDship is over' ang kapalit kasi may girlfriend kana. At pag nalaman nya, mawawala ka rin sakin. Sana naman kahit ni katiting na pagmamahal naman oh, di bilang bestfriend ko kundi bilang ikaw na mahal ko. Please, jebal.

Arsea's Pov

"Happy birthday kulit. Libre mo ko mamaya ha, patay ka sakin pag ako dimo nilibre." Pagbabanta ko sa kabilang linya. Birthday kasi ng boybestfriend ko.

"Oo naman noh, bat naman kita tataguan eh kayo na nga lang ni mich ang makakasama ko mamaya. Kahit kalian talaga patay gutom ka, kaya nagiging baboy kana ngayon. Sorry baboy liit, hahaha." Nang-aasar nanaman eh, magsosorry tapo tatawa.

"Ha-ha-ha, nakakatawa. Ah wag nap ala, kasama mo naman pala gf mo eh. Magdate nalang kayo since birthday mo naman." Sabi ko rito. Nandito nanaman tong puso ko.

Kailan, kalian ko kaya masasabi ang tunay na nadarama para sa BESTFRIEND kong may mahal ng iba?

"Sigurado ka?"tanong nito sakin.

"Oo naman noh, bestfriend mo lang naman ako ah. Ok lang talaga." Taksil talaga tong bibig ko kung ano-ano sinasabi.

"Hahaha, thank you taba. Bestfriends Forever. I love you bestfriend." Ayan na naman yung nagagawa kong nakakapagpasaya sakanya na nakakapangwasak sa puso ko.

"Oo naman noh, sige na. Mahal na mahal din kita---- bestfriend."sabi ko rito.

Ok lang, ok lang talaga ako. Nakakainis na ok lang ako sa harapan nya pero ang totoo nyan di ako ok. Ang sakit dito sa puso ko, ayoko tong sabihin sayo kahit marami na silang nagsasabi na umamin na ako. Dahil mas bibigat daw tong nararamdaman ko rito sa puso ko para sayo kung di pa ako umamin. Ayoko, ayoko kasing iwasan moko dahil magiging complicated pa ang lahat kung aamin ako sayo. Mas mabuting magbestfriend nalang tayo kesa mawala pa ang friendship natin. Titiisin ko lahat ng sakit basta wag mo lang akong iwasan "Love is Sacrifices".

123456 years.. Sa wakas nakarating na rin ako dito sa school pero akala ko ang sasalubong sakin eh yung bestfriend kong nakangiti sakin, ngunit bakit galit ang nakikita ko sa kanyang mga mata, may nangyari bang hindi maganda?

"Mag-usap nga tayo, toto ba. Totoo ban a siniraan mo ko kay mich dati, kaya ba nakipaghiwalay sya sakin?!"pasigaw nitong sabi habang nakatingin pa rin sya sakin.

Diko alam ang irereact ko kasi ngayon ko lang sya nakitang ganyan kagalit sakin. Dati naman tampuhan lang pero ngayon nakakasakit na lahat ng mga nasasabi nya. Nasasaktan ako di dahil sa galit sya sakin kundi kung gaano nya kamahal si mich kumpara sakin. Bestfriend lang naman nya ako eh, pero si mich gf nya yun. Kaya kahit pagbali-baliktarin man natin ang mundo, ang girlfriend pa rin ang kakampihan nya. Naputol ang pag-iisip ko nang...

"Sumagot ka Arsea, totoo ba na siniraan mo ko sakanya dati? Please naman oh, sagutin mo naman ako."umiiyak na rin ito habang nakatingin sakin.

"Di naman paninira yun kulit eh, compliment kaya yun."sabi ko rito. Diko namalayan na may luha na palang dumadaloy sa pisngi ko.

"Maniwala Arsea! Sinabi na nya sakin lahat, wag mo ng ipagtanggol yang sarili mo. Sinungaling ka, yan ba ang napag-aaralan natin dito sa school ha?! Ang pagsisinungaling. Hindi porket mahal mo na a----."diko na sya pinatapos pa sa pananalita nya dahil nashock ako sa mga pinagsasabi nya.

"San mo nalaman yan?"tanong ko rito.

"Wala ka ng pakialam dun! Please lang di porket mahal mo na ako ay gumagawa kana ng paraan para makuha mo ko sakanya. Ganyan kana ba kadesperada ha, pwes ito lang sasabihin ko sayo. Kahit kalian di kita magugu ------."

*PAK*

"Sa tingin mo ginusto kong mahalin ka, pwes ito lang din sasabihin ko sayo. Kahit tong puso ko pinili kang mahalin tong utak ko sumabog na dahil sa katangahan nitong puso ko. Mas gugustuhin ko pang mag-kaibigan nalang tayo kesa sa mainlove ako sa tulad mo. Kasi kahit kalian, din a ako naging Masaya simula nung mainlove ako sa bestfriend kong may mahal ng iba. Wala akong karapatang maging ganito sa harap mo,pero wala eh. Pinairal nanaman nitong puso ko ang katangahan nya sayo. Sabi mo nga, kahit kalian dimo ko magugustuhan diba? Edi mabuti, para wala na ring dahilan para magtanga-tangahan pa ako sayo. Ang sakit, ang sakit na dito Ark oh.Kahit kailan naman dimo to mararamdaman kasi may girlfriend kang pinaniniwalaan mo sa lahat ng bagay. Kung papakinggan mo lang sana lahat ng paliwanag ko, dito mangyayari. Sa lahat ng paratang mo Ark lahat puro kasinungalingan lang yun. Siguro nga, siguro dito na nga matatapos ang lahat. Bestfriends tayo pero ng dahil lang sa isang kasinungalingan ay mawawasak nalang ang pagkakaibigan natin. Diko makakalimutan ang masasayang alaala ng ating pagkakaibigan, maraming salamat. Salamat Arkane, ikaw ang pinaka-da best na naging boybestfriend ko."pagkasabi ko nito ay umalis na ako sa harapan nya.

Bago pa man ako makalayo ng tuluyan sakanya ay tumigil na muna ako at binigkas ang huling mga salita na alam kong tatapos na sa lahat ng kung anong meron samin.

"Sana maging masaya ka. Annyeong. Saranghaeyo, gajang chinhan chingu(Goodbye. I Love You my bestfriend.)." at lumakad na ako ng tuluyan, diko na talaga kaya pa. Wala na, wala na talaga. Parang kalian lang nung masaya pa kaming nag-uusap pero ngayon 'FRIENDship is Over'.

Papunta na ako ng CR ng makita ko sya(referring to mich) na nakangisi ngunit hinayaan ko nalang ito. Walang magbabago samin ni arkane kung papatulan ko man ang babaitang yan.

Nakakapagod din palang magmahal. Mapa-rebound, mapa-third wheel or one-sided love man yan. Nakakapagod pa rin, mula ngayon focus na muna ako sa studies ko, sa family ko and sa mga girl friends ko.

Ayoko na, ayoko ng magkaroon ng boybestfriend dahil sabi nila sa 'Bestfriend daw nag-uumpisa ang lahat'. Ayoko na, ayoko na talaga. Suko na ako!

'Dimo na mababawing iniwang sakit sa mga salitang binitiwan mo'

Goodbye Ark,

Goodbye my Bestfriend.

                                                                        (WAKAS)

                                                                 Kamsahamnida

Everyday,         I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon