CHAPTER 1: FIRST DAY OF SCHOOL

118 3 1
                                    

CHAPTER 1: FIRST DAY OF SCHOOL

Everytime you smile I smile and everytime you shine I shine for you

Whoaa. I’m feeling for you baby, Don’t be afraid to Jump then fall

Jump then fall into me!

Baby I’m never gonna leave you, Say that you wanna be with me too

I’mmaa stay through it out so jump then fall whoaaaa!

(Alarm tone: Jump then fall by Taylor Swift)

Aaaay. Bakit ang aga aga ko pang gumising. Sabagay first day of school ko ngayon. Sa totoo lang hindi ako excited na pumasok. Ang dami kong reasoooons.. 

1. Wala akong kakilala doon sa school

2. Hindi ko alam pano makipag socialite sa mayayaman

3. Nahihiya ako

4. Inaantok pa ako

Diba ang dami kong rasoon? Haaaai naku. Ako pala si Miranna Lucy Heartfilia. You can call me Mira Or Lucy. Ako pala ang Long lost daughter ni Reynaldo Heartfilia ang pinakamayaman na nilalang this generation. Seperated yung parents ko kaya lumaki ako sa ina ko kaya lang namatay yung ina ko sa cancer kaya kinuha ako ni Reynaldo Heartfilia. Hindi ko pa nga siya nakikita eh! Ironic right? Sarili mong ama hindi mo pa nakikita dahil napaka busy niya. Meron akong 3 kapatid at hindi parin kami nagkikita kahit nandito na ako kahapon. Hindi man lang ako nila sinalubong mga maids lang ang sumalubong sa akin. Ganito pala ang buhay mayaman napaka boring.

“Ma’am Lucy gising na po ba kayo? 8:30 po ang pasok niyo” – Personal maid

“Oo gising na ako. Maliligo lang ako” – Ako

Ginawa ko na ang ritwaal ko sa umaga.

Ligoo..

Kain..

Toothbrush…

Bihis nang uniform..

Harap sa salamin! Perfect J Pwede na akong umalis.

“Ma’am Lucy handa na po ang sasakyan niyo. Nauna na po ang 2 niyong kapatid sa school kaninang 5:30 at pinapasabi nila na mamayang gabi na lang daw kayo magkita” – Personal maid

Ano kayang klaseng kapatid ang meron ako? Hindi niya man lang ako sinabayan sa school ang hirap kaya nang sitwasyon ko. Alam niyo yung feeling na wala kang kakilala tapos hindi niya man lang ako itotour sa school. Kainis!

“Pwedeng maglakad na lang ako papuntang school?” – Ako

“Naku hindi pwede Ma’am Lucy” – Personal maid

“Bakit naman? Diba ang lapit lapit naman nang school ko. 5minutes lang diba lalakadin ko nanjan na ako sa school?” – Ako

“Eeeh. Baka mawala ka Ma’am Lucy at tsaka po delikado po kasi isa kang heartfilia” – Personal maid

“Hindi naman siguro akong mamatay maglakad eh. Sige na please? Promise ko hindi kita isusumbong kay Daddy. Kahit ngayon lang please?” – Ako

“Oh sige po Ma’am basta ngayon lang ah. Tumawag na lang po kayo sa akin pag nanjan na kayo sa school niyo nakalagay na po sa cellphone niyo ang number ko at nanjan na po sa bag niyo ang wallet niyo” – Personal maid

Yes! Nakapaglakad din. Ayoko talagang sumakay nang kotse. Hindi ko kasi feel yung aircon at tsaka gusto kong maglakad kapag umaga. Nakakarefreshing J Diba? Gusto ko I-enjoy ang God’s creation naks! Napakadaldal ko talaga. Teka lang nawawala ata ako 8:15 na! Ayokong malate sa first day of class.

You smile I smile :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon